BREAKING NEWS

Susan Enriquez type asawahin ng Abu Sayyaf member, pinrotektahan ni Robin

Susan Enriquez type asawahin ng Abu Sayyaf member, pinrotektahan ni Robin
Robin Padilla at Susan Enriquez (Photos: Screengrab from Kay Susan Tayo! Vlogs)

NAGKAGUSTO at plano pang pakasalan ng isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan ang Kapuso news anchor na si Susan Enriquez.

Nangyari ito sa kasagsagan ng pangho-hostage kay Susan at iba pang miyembro ng media kasama ang ilang inosenteng guro at estudyante ng bandidong grupo na ASG noong 2000. 

Inalala ni Susan ang traumatic experience na ito kasama si Sen. Robin Padilla sa latest episode ng “Kay Susan Tayo! Vlogs.” 

Si Sen. Robin ang isa sa naging negotiator ng gobyerno para sa pagpapalaya sa mga hostage victims ng ASG noong panahong yun. 

Naatasan si Susan na mag-cover sa gagawing pakikipagnegosasyon ni Padilla sa Abu Sayyaf. Ang usapan,  bababa rin sila nu’ng araw ding yun pero iba nga ang nangyari.

Ayon kay Padilla, na wala pa sa mundo ng politika noon, nagkagusto at nais raw pakasalan ng isang miyembro ng ASG si Susan.

“Masasabi nating isang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas na hindi dapat makalimutan. Diyan nag-umpisa ang masasabi nating masakit, malagim. 

“Kasi alam naman natin nu’ng kinausap natin sila, marami silang hinaing na hindi sila napapakinggan, ang pakiramdam nila na-invade na ‘yung Muslim territory,” ang pagsisimula ni Sen. Robin.

“So pumunta naman tayo for good faith. ‘Yun pala, meron silang hiling sa gobyerno. Pagdating natin doon, hinahanap nila ‘yung bigas, kung natatandaan mo? 

“Sabi ko ‘Anong bigas?’ ‘May ipinangako sa aming mga bigas, mga de lata,’” pagpapatuloy ng senador.

Dahil dito, sinabi raw ng ASG na hindi makakababa ang grupo nina Padilla at Susan kung hindi tutupad ang pamahalaan sa kanilang ipinangako.

“‘Hangga’t wala ‘yung mga bigas, hangga’t wala ‘yung mga de lata, hindi kayo makakababa. So ‘yun ‘yung nagbigay sa atin ng shock,” pag-alala ni Padilla.

Kasunod nito, ikinulong na raw sa kubo si Susan at iba pang journalist, kabilang na si Kabayan Noli De Castro.

Kuwento ni Padilla, may isang ASG member daw ang nagkagusto kay Susan, “Sabay tayong kumakain, kung maaalala mo. Noodles, sardinas, toyo. ‘Yun ang kinakain natin. Tapos parang nililigawan ka pa yata, nakarating sa akin ‘yon. 

“Kinausap ko ‘yung Abu Sayyaf sabi ko, ‘Huwag ganiyan, tinatakot niyo ‘yung tao. Kawawa naman si Susan,’” saad ng mambabatas.

Sabi naman ni Susan, “Umiiyak ako. Si Senator lahat ang nakakaalam noon kasi siya ang direktang kausap ng mga lider.”

“Alam mo ba ang tumatakbo sa isip ko? Of course, hindi ko sinasabi kahit kanino. I’m sure nakikita mong umiiyak ako. ‘Makikita ko ba ang pamilya ko?’ Kasi parang ang feeling ko ang buhay natin noong mga oras na ‘yun…” sabi ni Susan.

Na sinalo ni Padilla ng, “Wala na. Kasi pati kayo may presyo na rin.”

Dinig na dinig din daw ni Susan ang pag-uusap ng mga Abu Sayyaf tungkol sa kanya, “Lagi ko lang naririnig ‘Nasaan ‘yung babaeng maliit, na maputi?’ Siyempre kahit walang sinasabi, pero hinahanap ka, matatakot ka noon.”

Sobrang nagpapasalamat daw siya sa mister ni Mariel Rodriguez, “Si senator, laging tawag niya, ‘Ma’am, ma’am, okay ka lang ba?’ ‘Ma’am, may sinabi ba sa ’yo? ‘Tinakot ka ba? Mayroon ba sinabing hindi maganda sa ‘yo? Nami-miss mo na ba ‘yung anak mo?’ Sabi ko, ‘Oo, nami-miss ko na anak ko.’”  

Kuwento pa ni Padilla, “May isang gabi doon na siguro mga isang oras, dalawang oras din akong nasa labas noong kubo ni ma’am kasi mahirap na, baka mapagsamantalahan ka.

“Kasi hindi na talaga ako lumalabas sa kubo noon. Hanggang doon na lang ako sa loob ng kubo. Nakikinig na lang ako, hinihintay ko na lang kung anong mangyayari. 

“Siya ‘yung nakikita ko kahit paano, siya lang ‘yung puwedeng makiusap para sa akin kung mayroon mga masamang balak,” pagpapatuloy ng Kapuso TV host.

Sey naman ni Padilla, “Saka sa akin sinasabi na gusto ka nga raw, papakasalan ka nga daw. Sabi nila, ‘Siya (Robin) na lang ang makakababa.’ Sabi ko, ‘Hindi puwede ‘yon, na ‘yung sinama ko, hindi ko kasamang bababa. 

“Paano magtitiwala sa akin ang gobyerno, kung gusto niyo akong makipag-usap sa gobyerno?’” pag-alala pa ni Padilla.

Naging positibo naman ang pakikipagnegosasyon ni Robin sa Abu Sayyaf at pinakawalan din ang mga mamamahayag.

Pinauna raw agad ni Robin si Susan na sumakay sa truck na nagdala ng bigas at de lata sa kuta ng ASG.

“Natatandaan ko ‘yung sinabi mo noon sa akin ‘Sumakay ka na. Mauna ka na.’ Tinulungan niya pa ako sumakay sa truck,” ani Susan.

“Nagpaiwan ako. Sabi ko ‘Mauna na kayo,’ kasi ayoko na mauna ako. Kasi baka ‘pag nauna ako, ‘pag nandu’n na ako, harangin na naman kayo. Kasi natakot ako na may gusto kasi talaga sa iyo ‘yung isang Abu Sayyaf,” ang pag-alala pa ni Padilla.

“Gustung-gusto ka niya talagang iwan. Sinabi niya sa amin, ‘Pakakasalan ko naman si Susan,’” kuwento pa ng senador.

Sabi naman ni Susan sa ginawa ni Robin para maprotektahan silang mga hostage, “Pero sobrang na-appreciate ko talaga ‘yung pag-aalala mo sa akin noong panahon na ‘yun. 

“Parang kahit noon lang kami nagkasama, kino-cover lang kita. Kitang kita ko ‘yung pagmamalasakit mo, sobrang na-appreciate ko,” aniya pa.

Pinayuhan naman si Susan ni Padilla na hangga’t maaari ay huwag na siyang babalik sa kampo ng ASG.

The post Susan Enriquez type asawahin ng Abu Sayyaf member, pinrotektahan ni Robin appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Susan Enriquez type asawahin ng Abu Sayyaf member, pinrotektahan ni Robin Susan Enriquez type asawahin ng Abu Sayyaf member, pinrotektahan ni Robin Reviewed by pinoyako on April 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close