Leni Robredo sure na sure na, hindi tatakbong presidente sa 2028
SIGURADONG hindi na raw tatakbong pangulo si Naga City Mayor Leni Robredo sa 2028 national elections.
Nagsalita na nang tapos ang dating bise presidente na wala na siyang balak kumandidato sa anumang national posisyon sa pamahalaan.
“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi ako magna-national,” ang pahayag ng alkalde sa panayam ng isang local radio station nang matanong kung tatakbo uli siyang presidente sa 2028.
Sabi ni Robredo, mas posible pa raw na kumandidato ulit siyang mayor ng Naga para sa kanyang second term.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz nanawagan uli kay Leni Robredo na tumakbo sa 2028: Beke nemen!
Nauna rito, lantaran na ngang nanawagan ang host at talent manager na si Ogie Diaz kay Mayor Robredo para sa Eleksyon 2028.
Nais ni Mama Ogs na ikonsidera ni Mayor Leni ang muling pagtakbong pangulo sa 2028.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ng content creator na kahit patuloy na sinisiraan at inookray ng mga bashers, hindi pa rin matatawaran ang malasakit, walang bahid ng korapsyon at ang pagkakaroon ng kongkretong plano para sa bansa ni Robredo.
Makikita sa FB post ni Mama Ogs ang litrato ni Robredo habang nakasakay sa isang pink jeepney, kung saan mababasa ang mga katagang, “Gobyernong tapat ni Leni 2028 Angat Buhay Lahat.”
Sey ni Ogie, “Inookray ng mga troll na second taker sa bar exams, pero sila mismong naninira, ramdam nilang lawyer talaga na totoong may malasakit, hindi corrupt, maraming konkreto at malinaw na plano para sa bayan at taumbayan si Atty. Leni.”
Dagdag niya, “Patuloy na tumataas sa survey, ibig sabihin, nanganganak na ang bilang ng mga naniniwala sa kanya bukod sa mga solid supporters.
“Dami nang gising. Dami nang mulat. At di na muling pipikit pa. Ma’am Leni Gerona Robredo! Beke nemen,” lahad ni Ogie.
The post Leni Robredo sure na sure na, hindi tatakbong presidente sa 2028 appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 22, 2026
Rating:

No comments: