Christine Li umalma sa chikang dyowa si Chavit Singson: Wrong GIRL!
VIRAL sa social media ang babaeng ka-holding hands ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at kanya-kanyang hula ang netizens kung sino ito dahil nga hindi pamilyar.
Obvious namang non-showbiz si girl pero hindi pa rin tumigil ang ilang netizens na hanapan ng kamukha.
At dahil siguro medyo kahawig ay ikinabit ang Viva Artist Agency (VAA) talent na si Christine Li na kaagad pumalag dahil hindi raw niya kilala ang dating gobernador.
Pahayag ni Christine Li, “Minsan na nga lang ako mabalita ganito pa!”
Sinabayan niya ng inom ng wine habang nag-make face at tumirik ang chinitang mata.
“Hi guys, so, I guess some of you might have seen the photo and the video that has been going around online.
“Let me just show you (ipinakita ang video ng girl na nakatawa habang ka-holding hands sa nakatagong kanang kamay ni Ginoong Chavit Singson na ang background music ay ang awiting Palagi).
“That’s not ME!” diin ni Christine Li.
“Let me rewind it for you (ipinakita ulit ang video nang malapitan), nope still not me, but this (ipinakita ang larawan ng baguhang aktres sa bandang kanan), that’s me! That’s me on the upper right corner of the photo. You got the wrong GIRL!
“That’s not me on the video but they’re claiming I’m the girlfriend of Chavit Singson. I have never met Chavit Singson in my life.
“I don’t know him personally but I know his son whom I reach out baka matulungan niya ako dito sa isyu na ito, so, I sent him the article!” diing sabi ng contract star ng Viva.
Ipinakita ni Christine Li ang screen shot ng usapan nila ng anak ni Chavit.
Base sa sagutan ni Christine at ng sinabing anak ng dating public official na may sinabing, “ipinakilala sa publiko ang bagong girlfriend nito.”
Sagot ni Christine, “Gar (tawagan nila) P*ta, anong issue to. Hindi ako ‘yan. Help naman paki-message ‘yung page.”
“HAHAHAHAHA, pota bakit ikaw nilink??” sagot ng ka-chat niyang anak ni Manong Chavit.
“T*ngi*a hindi ko din alam, nanahimik ako dito hahahahaha,” sagot ulit ni Christine.
“Hahahahahahahahaha, sorry Gar (tawagan nila). Nadamay ka pa hayup. Ahahahaha,” sagot ulit ng ka-chat ng dalaga.
Dagdag pa, “So, you’ve seen it (palitan ng mensahe) Chavit Singson’s son. Quote and quote, ‘nadamay ka pa.’ So, I’m just a victim here. Victim po ako ng fake news. Huwag tayong nagpapaniwala sa mga nakikita natin online.
“It could hurt somebody’s reputation, it could hurt their career, it could hurt their mental health.”
Nakiusap pa ang dalaga na tigilan na ang pagpapakalat ng tungkol sa mga personalidad dahil hindi lahat nang nakikita sa internet ay totoo at ang iba ay gumagawa ng fake news para lang kumita.
“Milk money out of people, innocent people. I’m not guilty of this but I don’t wanna go out in public right now and people gonna start laughing at me, people gonna start talking sh*t at my back, talking sh*t in my face because of what they’ve seen in internet and I can’t even defend myself kasi it’s been posted anonymously, it’s so unfair you guys, so, let’s be responsible,” ani Christine Li.
May payo pa ang aktres na gamitin daw ang platform sa positibong pamamaraan tulad ng pag-promote ng negosyo o magagandang bagay sa komunidad at hindi ‘yung mga nakakasira sa tao.
“It’s all chismis, ka-CHEAPAN! Parating chismis ba, hindi na ba tayo puwedeng magtulungan maghanap ng opportunities para sa isa’t isa? It shoud be like that, eh. (Ngayon) wala ng substance,” say pa ni Christine.
Nakipag-usap na raw siya sa abogado kung ano ang dapat niyang gawin.
“I’d been getting advise what should I do next and I already talked to my management, so, to all angels and my management hindi po ako ‘yun that’s why I wanna clarify this.
“Let’s be positive, let’s not ruin each other here (social media), it should be a safe space for everybody (the) social media should be the safe space for all of us,” say ng aktres.
Bukas ang BANDERA sa panig ni ginoong Chavit Singson dahil sa mga sinabi ng Viva artist na si Christine Li.
The post Christine Li umalma sa chikang dyowa si Chavit Singson: Wrong GIRL! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 22, 2026
Rating:

No comments: