BREAKING NEWS

Daniel Padilla tinawag na bayaw ni Luigi Muhlach, fans ni Kaila napa-wow!

Daniel Padilla tinawag na bayaw ni Luigi Muhlach, fans ni Kaila napa-wow!

TUWANG-TUWA ang mga fans nang tawaging “bayaw” ng celebrity chef na si Luigi Muhlach ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Pasimple nang inilantad ni Luigi ang relasyon ng kanyang half-sister na si Kaila kay Daniel sa palitan nila ng mensahe ng aktor sa social media

Sa kanyang Instagram post kahapon, April 21, nag-share si Luigi ng mga pictures at video sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“39,” ang caption ni Luigi sa post.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla present sa birthday ni Kaila Estrada

Nagkomento naman si Daniel dito ng, “Happy kaarawan tol!!! FORE!!!”

“Maraming salamat bayaw! April boys let’s go!!” ang reply naman ni Luigi.

Naaliw naman ang mga netizens sa convo nina Daniel at Luigi, lalo na ang mga fans nina DJ at Kaila Estrada. Narito ang reaksyon ng supporters ng celebrity couple.

“BAYAW HALLELUJAH!”

“@muhlachluigi wow, bayaw na tawag! Yeheeeeey.”

“@muhlachluigi omg super kilig po sir the word bayaw stated by the kuya super happy for the whole family happy birthday sir and pogi forever.bless u always and your family.”

“@muhlachluigi happy birthday sayo @muhlachluigi at salamat sa buhay mo dahil napasaya mokami ngayon araw Sana mabohay kapa nang matagal at maraming blessings domating sayo.”

“@muhlachluigi hoy Sana All Bayawtotoo naba.”

“@muhlachluigi Wow, tanggap, accepted, approved by Kuya.”

“@muhlachluigi OMG uwian na may nanalo na, yong tatay at nanay mo superstar tapos may bro inlaw kapa Superstar din. Luigi lang SAKALAM hahaha HBD sir Chef.”

Matagal nang napapabalita na magdyowa na sina Daniel at Kaila  simula pa noong magkasama sila sa Kapamilya action-drama series na “Incognito.”

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina DJ at Kaila kung ano ba talaga ang real score sa kanilang dalawa.

The post Daniel Padilla tinawag na bayaw ni Luigi Muhlach, fans ni Kaila napa-wow! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Daniel Padilla tinawag na bayaw ni Luigi Muhlach, fans ni Kaila napa-wow! Daniel Padilla tinawag na bayaw ni Luigi Muhlach, fans ni Kaila napa-wow! Reviewed by pinoyako on April 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close