Joy Belmonte nangakong hindi na mauulit insidenteng pagkamatay sa bigayan ng ayuda
NAGLABAS ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte hinggil sa motorxycke rider na pumanaw habang nakapila para sa P5000 fuel subsidy sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado, April 18.
Sa naging panayam sa alkalde nitong Lunes, April 20, nangako siya na hindi na muling mangyayari ang naganap na insidente.
“It’s just unfortunate that this happened pero with regards to heat, we understand [its effects] kaya naman mayro’n po tayong water station sa kanila,” saad ni Mayor Joy.
Pagpapatuloy niya, “We will do our best to make sure na hindi po ito maulit muli.”
Baka Bet Mo: Joy Belmonte nanawagang mag-public apology si Suntay matapos mag-init kay Anne
Batay pa kay Mayor Joy, hindi residente ng Quezon City ang natirang rider.
“He’s not a Quezon City resident.. Ang conclusion mayro’n po talaga siyang karamdaman and naabutan lang po siguro sya do’n.
“That is my understanding… Hindi po matagal ang paghintay nila,” sabi pa ni Mayor Joy.
Ayon naman sa mga kaanak ng rider, hinihinala nilang inatake ito lalo na’t sinabayan pa ito ng mainit na panahon.
The post Joy Belmonte nangakong hindi na mauulit insidenteng pagkamatay sa bigayan ng ayuda appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 22, 2026
Rating:

No comments: