BREAKING NEWS

Misis ni Alfred Vargas na si Yasmine nagsampa ng 20 counts of cyberlibel

Misis ni Alfred Vargas na si Yasmine nagsampa ng 20 counts of cyberlibel
Yasmine Vargas at Alfred Vargas

NAGSAMPA ng 20 counts ng cyberlibel ang asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Vargas, laban sa mga taong nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanilang pamilya.

Inireklamo ni Yasmine umano’y maling mga post sa social media laban sa kanila ni Alfred pati na sa kanyang mga anak.

Ayon sa misis ni Konsehal Alfred, kailangan niyang gawin ito bilang ina upang protektahan ang kanilang pamilya at hindi na siya basta mananahimik na lang.

Hindi naman tinukoy ni Yasmine kung sinu-sino ang mga indibidwal na sinampahan niya ng kaso.

“Kaya pinili naming magsalita hindi dahil gusto naming makipagtalo, kundi dahil mahal namin ang aming mga anak. 

“Para sa kanila, at para sa lahat ng batang nakakaranas ng bullying, naninindigan kami,” ang simulang pagbabahagi ni Yasmine sa kanyang Instagram account.

Patuloy pa niya, “Today (kahapon), I filed 20 counts of cyber libel. Nalulungkot po ako na umabot pa sa ganito. 

“Sinubukan naming idaan sa maayos na pag-uusap noong Pebrero, ngunit sa halip, nagpatuloy ang mga posts sa social media na naglalaman ng maling paratang laban sa akin, sa aking asawa, at sa aming pamilya—even after we chose to remain silent,” dugtong niya.

Patuloy ni Yasmine, “Pinili naming dumaan sa tamang proseso. Nagsampa na po kami ng reklamo at kalakip nito ang aming ebidensya. Tiwala po kami na lalabas ang katotohanan,” aniya pa.

Sa huli, nagpasalamat si Yasmine sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na nagdarasal para sa kanilang pamilya.

“Hindi po namin ito kakayanin nang kami lang. At sa publiko, nakikiusap po kami: Let us choose kindness. Huwag na po nating dagdagan ang sakit sa pamamagitan ng paninira, haka-haka, o masasakit na salita—lalo na online. 

“Bullying, in any form, has no place in our community,” sabi pa niya.

Matatandaang noong April 13 ay nagsampa rin sina Alfred at Yasmine ng reklamo sa Office of the City Prosecutor ng Maynila laban sa mga magulang ng isang menor de edad na nam-bully at nang-abuso umano sa kanilang anak habang nasa swimming  training.

Nilabag daw ng mga magulang ng menor de edad ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at hindi nila nagampanan ang kanilang legal na tungkulin sa ilalim ng Family Code na bantayan at disiplinahin ang kanilang anak.

Nang lumabas ang balita hinggil dito, nagpadala ng pahayag ang aktor na si Rob Sy sa “Fast Talk with Boy Abunda” at itinanggi ang alegasyon na nam-bully ang kanyang anak.

“Nakasisiguro po kayo na sa likod ng kamera, ako ay isang mapayapang tao at walang kasalanan sa mga ibinibintang sa amin. 

“Ganu’n din ang aking partner at nag-iisang anak. Siya po ay maayos at responsable naming pinalalaki,” paglilinaw ni Sy.

Sa pamamagitan naman ng kanyang Instagram page, siniguro ni Rob Sy na haharapin nila ng kanyang partner ang kasong isinampa laban sa kanila nina Alfred at Yasmine.

The post Misis ni Alfred Vargas na si Yasmine nagsampa ng 20 counts of cyberlibel appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Misis ni Alfred Vargas na si Yasmine nagsampa ng 20 counts of cyberlibel Misis ni Alfred Vargas na si Yasmine nagsampa ng 20 counts of cyberlibel Reviewed by pinoyako on April 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close