BREAKING NEWS

Mark Herras hindi nagpapatalo sa depresyon: ‘Parang bahala ka sa buhay mo!’ 

Mark Herras hindi nagpapatalo sa depresyon: 'Parang bahala ka sa buhay mo!' 
Mark Herras

AMINADO ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras na may mga pagkakataon talaga na bigla na lamang siyang inaatake ng depresyon.

Konektado ito sa viral video ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor kung saan makikita siyang umiiyak at tila balisa sa buhay.

Nilinaw ni Mark sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan na dumaan siya sa matinding depresyon nang gawin niya ang naturang video dahil sa naging problema nila ng asawang si Nicole Donesa.

Ayon kay Mark, walang kinalaman sa pera o trabaho ang kanyang depresyon. Ipinost lang daw niya ang nag-viral na video para mailabas ang nararamdaman.

Paliwanag ng aktor, random lang ang episodes ng kanyang depression kaya hindi ito pwedeng paghandaan. 

“Minsan masaya ka, tapos bigla na lang parang….ay mga times na I was driving, ta’s maaalala ko ‘yung parents ko, ta’s bigla akong parang ‘Nakapagpasalamat ba ako sa inyo?’ Tapos bigla akong magbe-break down,” rebelasyon ni Mark.

May pagkakataon pa nga raw na bigla niyang maaalala ang birthday ng kanyang ina at makakatulog na lang siya sa kaiiyak.

Nagpapasalamat ang aktor dahil mas lumalakas pa raw ang kanyang pananampalataya sa mga pagkakataong inaatake siya ng matinding kalungkutan.

“Kumbaga kung ‘yung depression ko ang magiging dahilan para masira ako o masiraan ako ng ulo, siguro dapat matagal na nangyari sa ‘kin ‘yun, Tito Boy.

“I’m still surviving, I’m still fighting. Pero siyempre, once in a while, meron siya, pero hindi ako nagpapatalo. Kumbaga, parang ‘Bahala ka sa buhay mo,'” sey pa ni Mark.

Nauna nang pinabulaanan ng aktor ang balitang hiwalay na sila ni Nicole. Palagi raw niyang pinipili ang kanyang pamilya kapag dumaraan sila sa mga pagsubok.

Aniya, malaking factor ang kanyang asawa at mga anak para manatiling matatag sa kabila ng kanyang depression.

The post Mark Herras hindi nagpapatalo sa depresyon: ‘Parang bahala ka sa buhay mo!’  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Mark Herras hindi nagpapatalo sa depresyon: ‘Parang bahala ka sa buhay mo!’  Mark Herras hindi nagpapatalo sa depresyon: ‘Parang bahala ka sa buhay mo!’  Reviewed by pinoyako on April 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close