BREAKING NEWS

JM de Guzman blessing ang turing kay Shaina; Ely Buendia sasabak sa teleserye

JM de Guzman blessing ang turing kay Shaina; Ely Buendia sasabak sa teleserye
Shaina Magdayao, JM de Guzman at Derick Cabrido

DREAM come true kay JM de Guzman na makasama si Shaina Magdayao sa isang TV series, iyan ay ang “My Bespren Emman” na mapapanood na sa TV5 simula sa Abril 27, tuwing 8:45 p.m..

Unang nagkasama ang dalawa sa “Ang TV 2” sa ABS-CBN at mga bata pa raw sila noon.

Caption ni JM sa larawan nila ni Shaina sa Instagram, “Bata pa lang ako magkasama kami sa Ang TV 2 pangarap ko na maging leading lady si ms @shaina_magdayao and I know maraming boys and actors nakakarelate sakin.”

“Truly a blessing..thank you Ruth. #mybesprenemmantv5.”

Sumagot naman si Shaina sa post ni JM, “Awwwww thank you, my dear brother and now my leading man, JM work is so much easier and fun because of your generosity as my scene partner. Salamat. Salamat  and we’ve only just begun. Woot woot.”

Sabi ulit ni JM, “@shaina_magdayao thank you sister! grateful and blessed walang bola! thank you thank you thank you.”

Gagampanan ni Shaina ang karakter na Ruth sa “My Bespren Emman” at si Mateo naman si JM habang si Emman ay si Ely Buendia.

Sa nakaraang advance screening ng “My Bespren Emman” na ginanap sa Gateway 2 Cinema 12 ay nakitaan namin ng chemistry sina JM at Shaina. Parehong magaling at maganda at guwapo sa screen.

Maganda ang kuwento ng “My Bespren Emman” na mala-“Batang Quiapo” dahil nga masama ang gawain ni JM na lahat ng bisyo ay gawain niya hanggang nakilala niya si Emman.

Naging kaibigan niya ito at pinayuhan siyang ayusin ang buhay niya kaya dito papasok ang kuwento na mala-“May Bukas Pa.”

Ang husay nang naisip ni Enrico Santos bilang creative at ni Derick Cabrido bilang direktor na producers na rin under Numinous Production dahil mapapanood sa isang programa ang dalawang kuwentong pinagsama ang may kasamaan at pagbabago.

Pero itinanggi ni Enrico na mala-“May Bukas Pa” ang kuwento ng “My Bespren Emman.”

Aniya, “Porke lumitaw si God ay May Bukas Pa agad? Siyempre lahat naman ng kuwento may kamukha kahit saan. Sa dami ng napalabas sa mundo?”

Katwiran namin, ito ang naging reaksyon ng mga nakapanood sa screening ng pilot episode ng serye nina Shaina at JM.

“Hello! Nag-master degree po ako ng Theology. Kwento ko ‘yan noong student pa ako. Based siya sa true experiences ko with God. 

“Pero ang kwento siyempre hindi true to life kasi hindi naman ako criminal na binaril sa ulo. Pero the relationship with God ay based sa totoo kong pakikipag-away sa Diyos,” sagot sa amin ni ECS.

Dagdag pa niya, “Naku kung alam n’yo lang ang mga mangyayari. Malayo sa May Bukas Pa. How sure are you na si God yon? Remember soaps are full of twists.”

Oo nga, paano nga ba nakasiguro na si Bespren Emman ay si God?  Baka the other way around, remember mapanglinlang ang kabilang side para makuha ang tiwala at pagdating sa dulo ay hindi ka na makakaiwas dahil nabaon ka na.

Anyway, unang TV series naman ito ni Ely Buendia at paano kaya siya napapayag nina Enrico at Derick?  Pero hindi ito ang unang beses niyang umarte dahil lumabas na siya sa pelikulang “Padamlagan” sa Cinemalaya 2025.

Bukod kina JM at Shaina ay kasama rin sa serye sina Ai Ai delas Alas, Sid Lucero, Mitch Valdez, Michael de Mesa, Kit Thompson, Elyson de Dios, Donna Cariaga, TJ Valderama, Iven Lim at iba pa.

The post JM de Guzman blessing ang turing kay Shaina; Ely Buendia sasabak sa teleserye appeared first on Bandera.


Uploaded Image
JM de Guzman blessing ang turing kay Shaina; Ely Buendia sasabak sa teleserye JM de Guzman blessing ang turing kay Shaina; Ely Buendia sasabak sa teleserye Reviewed by pinoyako on April 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close