BREAKING NEWS

Slater Young nagsalita na sa isyu ng Monterrazas; nagbabala sa publiko 

Slater Young nagsalita na sa isyu ng Monterrazas; nagbabala sa publiko 

SA WAKAS, lumantad at nagsalita na ang “Pinoy Big Brother: Unlimited” Big Winner na si Slater Young hinggil sa kanyang proyektong “Monterrazas de Cebu.”

Sinisi kasi ang naturang project kaugnay sa matinding pagbaha sa Cebu dahil sa pananalasa ng bagyong Tino noong November, 2025. 

Ngayon lang nagbigay ng pahayag ang engineer at dating aktor makalipas ang ilang buwan nang maging kontrobersyal ang Monterrazas de Cebu.

Grabe ang nataggap na batikos ni Slater sa social media dahil sinisisi ng mga netizen ang Monterrazas de Cebu na isang high-end residential project sa bundok, sa malubhang pagbaha sa Cebu.

Baka Bet Mo: AC Soriano kay Slater Young: Di lahat kailangan ng bahay sa forest

Marami raw kasing puno ang pinutol sa bundok na pinagtatayuan ng proyekto nina Slater, bukod pa sa isyu ng deforestation, posibleng poor sewage systems, weak city planning, climate change at disiplina sa pagtatapon ng basura.

Kasunod nito, nagsagawa ng imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para alamin kung may pagkukulang at kasalanan nga ang Monterrazas de Cebu.

Naglabas naman ng video si Slater sa Facebook kahapon, April 19, kung saan nagpaliwanag siya kung bakit mas pinili niyang manahimik muna noong kasagsagan ng isyu.

Inisip daw niya na mas makabubuting makiramay na lamang muna sa mga naging biktima ng bagyong Tino sa halip na sagutin ang mga akusasyon sa kanyang project. 

Paliwanag ni Slater, may lumabas  na raw na resulta ng isinagawang pag-aaral ng mga eksperto mula sa University of the Philippines at nilinaw nga na walang direktang kaugnayan ang Monterrazas sa grabeng pagbaha sa Cebu. 

“They found that Monterrazas did not cause or worsen the flooding.  What caused it was the sheer volume of rain.

“Typhoon Tino dumped over a month’s worth of rainfall in one single day. And that amount of water would have flooded those areas regardless of what was or was not built,” esplika ni Slater.

Ipinagmalaki pa ng celebrity engineer, na hindi lang daw nila basta nasunod ang SOP (standard operating procedure) sa water management dahil nahigitan pa nila ito. 

“And because of that, our detention ponds caught and held back up to 99.74% of the excess rain water coming off our site. Releasing it all slowly instead of letting it all rush down hill all at once.

“The science did not just say we did not cause the flooding. It says that the system we have built in place helps reduce it. 

“This is not our conclusion, it is theirs. And this study is public and anyone who wishes to go through it is free to do so,” saad pa niya.

Sa huli, nanawagan si Slater sa publiko na maging “fair” at maingat sa pagpo-post sa social media ng tungkol sa kanilang proyekto dahil hindi raw sila basta mananahimik sa mga maling impormasyon at fake news para protektahan ang kanyang pamilya.

“We respect everyone’s right to their own opinion but we will not stay silent in the face of misinformation. We will take all necessary steps to protect our family from it. 

“Cebu deserves a real solution and real solutions can only come from correctly identifying the real cause. 

“That is work that is ongoing and Monterrazas is committed to being part of it. I am committed to becoming a part of it,” pahayag pa ni Slater.

The post Slater Young nagsalita na sa isyu ng Monterrazas; nagbabala sa publiko  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Slater Young nagsalita na sa isyu ng Monterrazas; nagbabala sa publiko  Slater Young nagsalita na sa isyu ng Monterrazas; nagbabala sa publiko  Reviewed by pinoyako on April 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close