BREAKING NEWS

Julia Montes buntis daw kaya tinanggal na sa ‘Sigabo’ ni Coco Martin? 

Julia Montes buntis daw kaya tinanggal na sa 'Sigabo' ni Coco Martin? 

HOW true na hindi na kasama si Julia Montes sa seryeng “Sigabo” na pinagbibidahan ng partner niyang si Coco Martin?

Ito ang isa sa topic nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kanina sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa True FM 105.9 (na napapanood din sa One PH YouTube channel).

Kalat na kasi ang balitang buntis daw ang aktres courtesy of Coco Martin.

“Ang daming nagtatanong bakit wala na sa teaser si Julia Montes sa Sigabo ni Coco Martin? May mga lumabas na materyales na magkasama sila, magkaeksena bakit biglang wala na?

Baka Bet Mo: Coco Martin, Julia Montes nanindigan: Babangon muli ang ABS-CBN!

“At heto na nga po, matinding pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng showbiz na ang dahilan nga po kung bakit papalitan na si Julia Montes sa Sigabo, ang bagong serye ni Coco Martin ay dahil sa kanyang pagdadalang-tao,” kuwento ni ‘Nay Cristy sa “CFM.”

“Wow, blessing! Nakakatuwa naman,” tugon ni Romel Chika.

Sabi pa ni ‘Nay Cristy, “It is always a blessing, di ba? Nahahalata na rin naman wala na rin kasing maaaring itago pa at open secret naman ‘yung dati pa, sabi nga ni Willie Revillame, ‘O, Julia, Coco salamat sa inyo kumusta sa mga anak n’yo. Ha-hahahaha! Sabi ni Kuya Will, di ba?

“At kung totoo man po ay wala naman pong masama dahil magkarelasyon naman sila at malay nga natin baka nga kasal na. E, wala tayong magagawa kung ‘yan nga at ang balita ay si Angel Locsin daw ang ipapalit yata? O pipili ng iba pa.  Dahil si Angel ay hindi pa rin naman nakahanda, di ba?” sabi ni Nay Cristy.

“Naku! Malalaman natin ‘yan sa mga susunod na panahon!” say naman ni Romel Chika.

“Yes, ‘yan po ang matinding dahilan na hindi na pupuwede si Julia sa Sigabo dahil nu’ng kunan kasi ‘yun (teaser) hindi pa halatado ‘yung kanyang tiyan pero lumalaki ‘yan, eh, di ba? Lalo kung hindi tinatago,” kuwento pa ni ‘Nay Cristy.

At para sa balanseng balita ay nagtanong kami sa Cornerstone Entertainment na namamahala sa karera ni Julia.

Kaagad kaming sinagot ng, “Hindi po siya buntis (smiling face emoji).”

Sinabi naming kalat na ang balita na buntis ang aktres kaya hindi na makakasama sa seryeng “Sigabo.”

“Hindi po,” sagot pa ng aming ka-chat.

Sa sagot na “hindi po” ay siniguradong hindi na nga makakasama sa “Sigabo” si Julia pero hindi na kami sinagot ulit kung bakit hindi na makakasama ang aktres.

Ang dami pa namang nag-aabang sa balik-tambalang Coco-Juls kaya excited ang lahat nang malamang magkasama sila sa “Sigabo”.

Anyway, abangan na lang ang mga kasagutan ng Coco-Juls kung anong nangyari.

The post Julia Montes buntis daw kaya tinanggal na sa ‘Sigabo’ ni Coco Martin?  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Julia Montes buntis daw kaya tinanggal na sa ‘Sigabo’ ni Coco Martin?  Julia Montes buntis daw kaya tinanggal na sa ‘Sigabo’ ni Coco Martin?  Reviewed by pinoyako on April 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close