BREAKING NEWS

ALAMIN: Mga summer workshop ideas para ma-busy ang mga tsikiting!

ALAMIN: Mga summer workshop ideas para ma-busy ang mga tsikiting!

TUWING summer break, hindi lang puro higa at cellphone ang gawin ng mga bata.

Lalo na sa panahong ito, maraming fun and productive activities na pwedeng salihan para hindi mainip at para ma-develop din ang kanilang skills.

Sa halip na nakatunganga lang sa bahay, uso ngayon ang pag-enroll sa iba’t ibang summer workshops na swak na swak sa mga bagets na gustong ma-enjoy ang bakasyon habang may natututunan.

Swimming lessons

Unang-una sa listahan ang swimming lessons na paborito ng maraming magulang. 

Baka Bet Mo: Inom pa more: Mga Pinoy summer drinks na nakaka-refresh, swak sa init!

Bukod sa pampalamig sa init ng panahon, mahalaga rin ito bilang life skill na pwedeng magamit sa anumang pagkakataon.

Martial arts classes

Sunod naman ang martial arts classes gaya ng taekwondo, karate, judo, at marami pang iba.

Dito, hindi lang galaw at disiplina ang natutunan ng mga bata kundi pati ang self-confidence at self-defense na pwedeng magamit habang lumalaki sila.

Dance workshops

Para naman sa mga mahilig sumayaw, pasok ang dance workshops kung saan pwedeng ma-express ang sarili at mahasa ang coordination at confidence sa stage. 

Kadalasan pa, nagiging stepping stone ito ng ilang kabataan na may pangarap na mag-perform sa mas malaking entablado.

Singing classes

Hindi rin pahuhuli ang mga singing classes para sa mga batang mahilig kumanta sa videoke o kahit sa banyo. 

Dito, tinuturuan sila ng tamang breathing, voice control, at performance skills.

Bukod sa mga ito, marami pang ibang workshops ang pwedeng salihan ng mga bata ngayong summer. 

Nariyan ang art classes tulad ng drawing, painting, at crafts na nakakatulong sa creativity at imagination ng mga kabataan. 

May mga baking at cooking classes din kung saan natututo silang magluto ng simpleng pagkain at desserts habang tinuturuan din ng basic kitchen safety.

Uso rin ngayon ang coding at robotics workshops na swak para sa mga batang mahilig sa gadgets at technology, kung saan introduksyon ito sa basic programming at problem-solving skills. 

Para naman sa mga mahilig magkwento o umarte, may mga theater at acting workshops na tumutulong sa confidence at communication skills.

May mga music instrument lessons rin gaya ng piano, guitar, at drums na hindi lang pampalipas oras kundi posibleng maging long-term passion ng bata. 

Sa ilang summer programs, may sports clinics din tulad ng basketball, volleyball, at badminton na nakakatulong sa physical fitness at teamwork.

Layunin ng mga summer activities na ito na hindi lang gawing “fun” ang bakasyon kundi maging meaningful din ito para sa development ng mga bata. 

Kaya naman hinihikayat ang mga magulang na samantalahin ang summer break para ma-expose ang kanilang mga anak sa mga ganitong klase ng aktibidad.

The post ALAMIN: Mga summer workshop ideas para ma-busy ang mga tsikiting! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
ALAMIN: Mga summer workshop ideas para ma-busy ang mga tsikiting! ALAMIN: Mga summer workshop ideas para ma-busy ang mga tsikiting! Reviewed by pinoyako on April 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close