BREAKING NEWS

Vlogger binatikos sa pag-prank sa matandang pump attendant sa gasolinahan

Vlogger binatikos sa pag-prank sa matandang pump attendant sa gasolinahan

MAINIT na pinag-uusapan sa social media ang pag-prank umano ng vlogger sa matandang pump attendant na namataan sa isang gasolinahan.

Mapapanood sa viral video ang paghabol ng matandang lalaki na nakasuot ng white t-shirt sa sasakyan ng naturang content creator. 

Dinig na dinig sa video ang pagtawa ng vlogger habang hinahabol sila ng matanda sa ilalim ng tirik na tirik na araw.

Base sa mga nabasa naming comments sa social media, may nagsabing kilala raw ng vlogger ang matanda at scripted lang ang prank video.

Sey naman ng iba, ang vlogger daw ang may-ari ng gasolinahan sa video at dyino-joke lamang ang pump attendant matapos siyang magma-full tank ng gas.

Pero mas marami ang nagkomento at nananawagang dapat daw managot at maparusahan ang driver at vlogger na nag-prank sa matandang pump attendant.

“LTO ano na?! Tanggalan na ng lisensya ‘yan!”

“DILG, LTO ano na?”

“Paano kung inatake si tatay!”

“Gag* amp*ta, dapat matanggal ng lisensya ‘yan!”

“Tawa ka now, iiyak ka rin later.”

“May mai-prank lang kahit hindi na makatao!”

“WTF na prank lang yan tapos ginawang katatawanan si tatay.”

“Paano kung sa tatay o lolo mo ‘yan mangyari?”

“Napaka animal nung vlogger na ‘yan!”

“Ikaw dapat mauna sa death penalty.”

The post Vlogger binatikos sa pag-prank sa matandang pump attendant sa gasolinahan appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Vlogger binatikos sa pag-prank sa matandang pump attendant sa gasolinahan Vlogger binatikos sa pag-prank sa matandang pump attendant sa gasolinahan Reviewed by pinoyako on April 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close