BREAKING NEWS

Seth Fedelin may inamin sa relasyon nila ni Francine: Malayo na sa dati! 

Seth Fedelin may inamin sa relasyon nila ni Francine: Malayo na sa dati! 
Francine Diaz at Seth Fedelin

KILIG-KILIGAN ang mga fans sa mga rebelasyon nina Seth Fedelin at Francine Diaz tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.

Kahapon, April 22, muling humarap sa entertainment media ang tambalang FranSeth para sa latest movie nilang “She Who Must Not be Named.”

May mga fans na invited sa naturang mediacon na talaga namang tuwang-tuwa dahil personal nilang nasaksihan ang pagsagot ng kanilang mga idol about their personal lives.

Ilang beses napag-usapan sa presscon ang tungkol sa current status ng relationship nila at kung may label na nga ba silang dalawa ngayon.

Ayon kay Seth, mas naging solid at mas lumalim pa ang samahan nila ni Francine na ibang-iba sa dati nilang relasyon bilang magkatrabaho lamang.

“Kung ano real score namin, sa amin na lang ‘yun muna. Pero kung anuman kami, malayo na sa dati. Siguro between the two of us na lang muna,” ang pahayag ng Kapamilya actor sa presscon ng  “She Who Must Not be Named” na ginanap sa Cinema 16 ng Gateway Mall 2.

Nang ipa-explain sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng “malayo na,” hirit ni Seth, “Parang sa Bench,” na ang tinutukoy ay ang ang pag-kiss sa kanya ni Francine sa Bench fashion show.

Dagdag ng aktor, “Kasi ako yung tipo ng lalaki, gusto ko may safety sa ‘kin si girl. Ipinapakita ko hindi ako nagmamadali, gusto ko may ginagawa ako. Kung anong estado namin kuntento ako. Doon muna ako nagpo-focus.”

Tilian naman ang fans sa venue ng presscon sa sagot ni Seth nang matanong ng, “What qualities matter more than someone’s name” na ibinase sa plot ng pelikula nila ni Francine kung saan walang pangalan ang karakter ng aktres.

“Commitment ng person towards me, alam ko hanggang saan yun, saka ‘yung apelyido kasi siyempre gusto ko palitan apelyido niya.  

“Kung darating tayo sa part na iyon? Ako pinaka-excited sa lahat at sana masaksihan natin ‘yun. Isa ‘yun sa magiging pinaka-milestone (sa buhay ko,” chika ni Seth na sinundan nga ng sigawan at palakpakan ng mga nasa sinehan.

Reaksyon naman ni Francine, “To hear that from someone you know for a very long time, bilang babae, ang rare noon sa panahon ngayon. Sana hindi joke. Ha-hahaha!

“I mean hindi forever na bata tayo, darating panahon you have to settle down and choose a life and person…all I am saying I appreciate that if that’s for me… I don’t know,” ang nakangiti pang chika ng dalaga na halatang kinilig din sa sinabi ni Seth.

Samantala, intriguing at promising ang tema at kuwento ng “She Who Must Not Be Named” dahil trailer pa lang ay maku-curious ka nang mapanood ang kabuuan nito.

Iikot ang kuwento nito nang makilala ng isang cute pero makakalimuting playboy na may dyslexia (Seth) ang isang maganda ngunit misteryosa at matigas ang ulo na babae (Francine), na-fall siya rito nang malalim. 

Ngunit habang tumatagal ang kanilang samahan, paninindigan ng babae ang isang bagay – hinding-hindi kailanman dapat malaman ng lalaki ang kanyang pangalan. Mapanindigan kaya ni “Girl” ang kanyang mission? 

Kasama rin sa movie sina Bobby Andrews, Elijah Alejo, Kych Minemoto, Kaleb Ong, Raven Rigor at Lady Martin. Ito’y mula sa panulat ni Lawrence Nicodemus at idinirek  ni Christopher Novabos.

The film is produced by Solar Studios Inc. and Ohh Aye Productions and showing na sa mga sinehan nationwide sa April 29 at Rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB.

The post Seth Fedelin may inamin sa relasyon nila ni Francine: Malayo na sa dati!  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Seth Fedelin may inamin sa relasyon nila ni Francine: Malayo na sa dati!  Seth Fedelin may inamin sa relasyon nila ni Francine: Malayo na sa dati!  Reviewed by pinoyako on April 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close