BREAKING NEWS

Mister Pampanga 2026 candidate RJ Perkins viral sa swimwear category: PAK!

PAK! Mister Pampanga 2026 candidate RJ Perkins viral sa swimwear category
RJ Perkins

HINANGAAN ng madlang pipol ang pagrampa ng isang kandidato sa Mister Pampanga 2026 dahil matapang nitong ibinandera ang kanyang plus size na katawan

Viral at trending ngayon sa social media ang mga litrato at video ng kandidatong si RJ Perkins, na representative ng Angeles City.

Mapapanood si RJ sa kumalat na video na rumarampa sa naturang male pageant kung saan ipinamalas niya ang kanyang matinding confidence sa swimwear category.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na may isang chubby o plus size na candidate na hindi nga karaniwang natutunghayan sa mga male pageant.

But in fairness, sandamakmak na netizens ang nagpahayag ng paghanga kay RJ dahil sa taglay niyang katapangan at kumpiyansa sa sarili.

Komento ng ilang social media users, tama lang ang pagtanggap ng mga organizers na isali si RJ sa Mister Pampanga 2026 at wasakin nang tuluyan ang matagal nang stereotype sa beauty pageants.

Sang-ayon din ang mga pageant fans sa mga nag-comment na hindi lamang physical appearance at talino ang maging basehan sa mga pageants, kundi pati personalidad at confidence ng mga candidate.

Samantala, sa panayam naman ng isang media organization kay RJ, na dating trainee para sa P-pop group na BGYO, inamin niyang inatake siya ng matinding kaba sa ginawa niya.

Ngunit sabi ni RJ, nais niyang ibandera sa buong universe ang ipinaglalaban niyang body positivity at pagtanggap nang buong puso sa kung anuman ang ipinagkaloob ni Lord.

The post Mister Pampanga 2026 candidate RJ Perkins viral sa swimwear category: PAK! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Mister Pampanga 2026 candidate RJ Perkins viral sa swimwear category: PAK! Mister Pampanga 2026 candidate RJ Perkins viral sa swimwear category: PAK! Reviewed by pinoyako on April 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close