Anne Curtis ‘pinakamatapang na empleyado’, nag-Coachella kasama ang boss
ALIW ang mga naging banat ng netizens sa TV host-actress na si Anne Curtis matapos siyang maispatan na present sa Week 2 ng Coachella Valley Music and Arts Festival.
Trending nga ngayon sa social media ang kanyang mga larawan kasama ang mga kapwa celebrities na sina Piolo Pascual, Darren Espanto, Maja Salvador, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, at Kyle Echarri na masayang sumusuporta habang nagpe-perform ang nation’s girl group na BINI.
Maging sa kanyang mga Instagram stories ni Anne ay makikita ang mga shared videos niya mula sa nagdaang event.
Pero ang pinakapinag-usapan ay ang larawan kung saan makikitang kasama nila ang isa sa mga bossing ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.
Baka Bet Mo: Anne Curtis, Mimiyuuuh nakipagkulitan kina Merryl Streep, Anne Hathaway
Kaya naman marami sa mga netizens ang nilaro si Anne dahil absent ito sa kanyang noontime program na “It’s Showtime” pero kasama niya sa gala ang big boss ng ABS-CBN.
Ang ilan ay niloloko pa ito na “pinakamatapang na empleyado”.
“Si Anne Curtis lang yata ang kilala kong empleyado na kayang umabsent kasama ang mismong boss,” sey ng isang netizen.
Samantala, sumagot naman ang aktres at tila damay damay na dahil sinabi niyang kasama rin nila si Darren na co-host rin niya sa “It’s Showtime”.
Samantala, sa kabila naman ng kanilang panonood ng Coachella ay ang pagbabalik ni Vice Ganda sa show na talagang inabangan ng mga madlang pipol kaya win win lang ang lahat.
The post Anne Curtis ‘pinakamatapang na empleyado’, nag-Coachella kasama ang boss appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 23, 2026
Rating:

No comments: