BREAKING NEWS

Kitty Duterte wala nang pake sa panghaharas sa pamilya: It’s inevitable!

Kitty Duterte wala nang pake sa panghaharas sa pamilya: It’s inevitable!
Sara Duterte, Rodrigo Duterte at Kitty Duterte

WALA nang pakialam ang dating presidential daughter na si Kitty Duterte sa mga bumabatikos at nanghaharas sa kanilang pamilya. 

Sey ni Kitty, hindi na bago sa kanilang pamilya ang matinding pagbanat at pambebengga ng madlang pipol, lalo na laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Sinagot ng dalaga sa interview ng Facebook page na Alvin and Tourism ang tanong kung ano ang nararamdaman niya hinggil sa mga isyung ibinabato sa kanilang pamilya.

“These unsolicited opinions, everything, the harassment—it’s inevitable,” pahayag ni Kitty. 

Ang punto pa niya, “My family, most of them are in politics, obviously subject to criticism and scrutiny—it’s always going to be there.”

Mas pinipili na lang daw ni Kitty na dedmahin at huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang mga isyu at kontrobersya na hindi niya kontrolado.

“I don’t have lingering thoughts because, in the first place, I don’t lend energy or time to things that, again, I cannot control,” sey ni Kitty.

Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si dating Pangulong Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kanyang umano’y “crimes against humanity.”

Bukod dito, patuloy ding umiinit ang impeachment proceedings laban kay VP Sara kung saan iniimbestigahan ng mga mambabatas ang kanyang financial records, kabilang ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs), at tax filings at ang kanyang mga negosyo.

The post Kitty Duterte wala nang pake sa panghaharas sa pamilya: It’s inevitable! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Kitty Duterte wala nang pake sa panghaharas sa pamilya: It’s inevitable! Kitty Duterte wala nang pake sa panghaharas sa pamilya: It’s inevitable! Reviewed by pinoyako on April 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close