SB19 Stell to the rescue sa ka-miyembro, binarag ang ‘toxic’ netizen: Tumigil ka!
HINDI na nakapagpigil at dinepensahan na ni Stell Ajero ang ka-grupo niya sa SB19 na si Justin de Dios matapos sabihang “toxic” ng isang netizen.
Hindi na namin makita ang mismong komento sa X account ni Stell, pero marami ang nakapag-screenshot nito kaya namang naging maingay rin sa social media.
Ang sabi ng epal na netizen: “Tama nga si Pablo. Wala sa mukha pero napaka toxic pala ni Justin. Gusto ko pa naman friendship nila ni Stell, pero di mo malalaman just by looking at it na napaka-toxic pala. Cancer nga. Literal na sumisira ng friendship.”
Totoo namang hindi maganda ang sinabi nito, kaya tila uminit ang ulo ni Stell at hindi pinalampas ang pambabastos na ito.
Baka Bet Mo: SB19 Stell, BINI Jhoanna, Skusta Clee bumida sa tribute video na ‘Pangalan’
Ang sey ng tinaguriang “Heavenly Voice” ng grupo, “Sino ka naman para magsabi ng ganyan?! Ikaw yung toxic sa totoo lang. Tumigil ka.”
Mensahe pa niya sa hater, “Hindi ko kailangan ng suporta mo kung ganyan ka sa mga kagrupo ko. Delete mo ‘to.”
Magugunitang nauna nang nanawagan ang SB19 na parating piliin ang “kindness” dahil lumalala na rin ang tinatawag na fandom wars.
“Spread love na lang and appreciate na lang sa music, or kahit hindi mo ma-appreciate, wala na lang sanang masamang sasabihin. Ganun nalang,” sey ni Ken.
Paliwanag pa niya, “Kasi sobrang matalas ‘yung dila kasi pag nagbitaw ng salita. So nakakasakit talaga siya. And you know, I just believe na the world will be a better place to live in pag kindness ‘yung nangingibabaw sa lahat.”
Dagdag naman ni Josh: “Naniniwala naman po kami na yung A’TINs nasa tamang pag-iisip. But of course, hindi naman natin maiiwasan minsan maging emotional or minsan iba-iba po ‘yung tao eh. So, gusto lang po natin na syempre as much as possible kung meron silang mga (sasabihin) medyo harmless and baka pwedeng daanin sa mga mas healthy debate kaysa sa away talaga.”
Samantala, ang Pinoy pop kings ay may kaabang-abang na “Wakas at Simula” concert sa SMDC Festival Grounds, at ito rin ang magsisilbing finale ng kanilang “Simula at Wakas” tour.
The post SB19 Stell to the rescue sa ka-miyembro, binarag ang ‘toxic’ netizen: Tumigil ka! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 18, 2026
Rating:

No comments: