Eman Bacosa Pacquiao ready bang makalaban si Jimuel Pacquiao?
HANDA nga ba ang Sparkle artist at boxer na si Eman Bacosa Pacquiao na makatapat sa boxing ring ang kanyang kapatid na si Jimuel Pacquiao?
Dahil nasa parehas na industriya ang dalawa at parehas na anak ng boxing champ at dating senador Manny Pacquiao, hindi malabong magkatapat sa ring ang magkapatid.
Nitong Huwebes, April 16, nag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” si Eman at sinabi nito na kung sakaling magkaroon ng offer na dumating kung saan magkakaharap sila ng kapatid ay hindi niya ito tatanggapin.
“Kasi kapatid ko po siya at saka wala naman pong kasiyahan na mangyayari du’n kung matalo man o manalo sa kapatid mo,” lahad ng Sparkle artist.
Baka Bet Mo: Eman Pacquiao ‘basted’ na nga ba kay Jillian Ward?
Dagdag pa ni Eman, alam niyang hindi magugustuhan ng kanilang ama na makitang magkalaban sila sa ring.
Bukod pa rito, ayaw rin niyang masaktan ang kapatid.
Ayon pa kay Eman, maganda naman ang relasyon niya sa kanyang mga kapatid kay Manny, kabilang na si Jimuel.
Suportado rin niya ang career nito lalo na ngayong lumalaban na ito sa boxing sa Amerika.
Pero sa ngayon ay sinabi ni Eman na wala pang chance na makakuwentuhan niya ang kuya na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Sa kabila nito ay nakuwento naman niya na very supportive rin ang ibang mga kapatid at malapit naman siya sa lahat.
Matatandaan na nitong March ay lumaban at nanalo si Eman sa naganap na Kumong Bol-anon XXIV sa Tagbilaran, Bohol. Nakuha niya ang panalo via technical knockout laban sa Indonesian na si Reynold Kundimang.
Noong April 4 baman nang magwagi si Jimuel sa laban niya kay Darrick Gates sa undercard ng Pedro Taduran vs. Gustavo Perez Alvarez IBF strawweight title fight na ginanap sa Temecula, California.
The post Eman Bacosa Pacquiao ready bang makalaban si Jimuel Pacquiao? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 18, 2026
Rating:

No comments: