Lotlot, Matet wala sa babang-luksa ni Nora sa Libingan ng mga Bayani
MULING nagsama-sama ang pamilya at fans ng National Artist na si Nora Aunor sa paggunita ng kanyang first death anniversary.
Ngayong araw, April 16, ang babang-luksa ng pagkamatay ng Superstar kaya naman nagtipun-tipon ang mga nagmamahal kay Ate Guy sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
Nagsimula ang pagpupugay kay Ate Guy sa pamamagitan ng isang banal na misa sa harap mismo ng puntod ng namayapang showbiz icon.
Kasunod nito ang salu-salo sa tanghalian ng mga dumalo sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng Superstar na sinundan ng “kapihan” session.
Baka Bet Mo: Last will & testament ni Nora Aunor muling naungkat, anyare kay Lotlot?
Ang naging punong-abala sa pagtitipon ay ang biological son ni Ate Guy na si Ian de Leon katuwang ang asawang si Jennifer, ang kanilang mga anak at ilang Noranians.
Nakadalo rin ngayong araw ang direktor na si Adolfo Alix Jr., at ang veteran actress na si Boots Anson Roa Rodrigo.
Hindi naman namataan sa Libingan ng mga Bayani kanina ang mga kapatid ni Ian na sina Lotlot, Matet at Kenneth de Leon. Balitang humabol kalaunan si Kiko de Leon sa pagtitipon.
Sa interview ng media kay Ian, sinabihan naman daw niya ang mga kapatid sa pamamagitan ng kanilang group chat.
“I told them. They were informed about this. I gave them info sa GC. Two of the boys, I told them about it but I think they have own plans,” paliwanag niya.
Todo naman ang pasalamat ni Ian sa lahat ng mga dumalo sa babang-luksa ni Ate Guy at nakiisa sa paggunita sa mga alaala ng kanyang yumaong ina.
“Hindi ako makapaniwala, ang dami pa rin nagmamahal kay Mommy. Maraming salamat sa patuloy na nagmamahal kay Mommy.
“We want to continue her inspiration towards people. We don’t want that to die out,” aniya.
Patuloy pa niya, “Our mission is for her to inspire more. For future generations to be like her. She was not privileged, she was just a small individual selling at the train station, but eventually became a Superstar and National Artist.
“Yung yapak niya, belief in herself and God, I want people to see that in her. I want people to believe whatever their dreams and aspritations are, they can do it as long as they believe in themselves,” lahad ni Ian.
Nauna rito, nabanggit ni Ian sa isang panayam na siya ang solong legal na tagapagmana ni Ate Guy at siyang nangangasiwa sa itinatag nilang Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation.
Pero nilinaw ni Ian na sa kabila ng pagiging sole legal heir ng ina, “It does not exclude family members. I decided to do this to fast-track things.
“Eventually OPC (one person corporation) will become a corporation and everyone is welcome on the boat. I have discussed it with some of the siblings,” aniya pa.
“We are aggressive in doing this, not for me, not for anyone, it is for mom — and what she has left behind. We don’t want the legacy to die down. We are working hard to get it passed down in generations.
“We want to continue her inspiration towards people. We don’t want this to die out. Our mission is to inspire more.
“For future generations to be like her — she was not privileged, she was just a small individual selling at the train station, but eventually became a superstar and national artist,” saad pa ng aktor.
The post Lotlot, Matet wala sa babang-luksa ni Nora sa Libingan ng mga Bayani appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 18, 2026
Rating:

No comments: