Vlogger Rasta G kinondena sa hateful post sa mga batang hindi ‘cute’
VIRAL na ngayon ang vlogger na si Rasta G o si Rasta Gutierrez matapos mag-trending ang kanyang TikTok video hinggil sa mga batang “maingay na di naman cute”.
Marami sa mga netizens maging ang ilang mga celebrities at content creators ang nag-call out sa naturang vlogger dahil sa hindi umano tamang pag-uugali nito laban sa mga bata.
Marami rin ang hindi nagustuhan ang tila subtle bullying sa mga bata ni Rasta G.
Baka Bet Mo:
“Me pag may batang maingay na di naman cute,” sabi sa TikTok video ni Rasta G.
Agad namang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol, social media personalities, at mommies ang naturang post ng vlogger.
“The way you treat children says everything. Don’t become what hurt you, girl,” sabi ni Pat Velasquez kalakip ang screenshot ng post ni Rasta.
Sabi naman ni Mikh Cruz, “It’s fine to get annoyed, but turning it into content that gathers hate especially toward kids who can’t regulate their emotions yet is so so saddening. Tigilan natin tong hate train towards children. Sa mga magulang naman na natatakot nang ilabas ang mga anak nila because of content like this please don’t let it get to you. Our children only have one childhood. Let them be kids.”
“Magtigil ka Rasta G at sa mga tulad niya magisip. MAGSITIGIL KAYO SA GANYANG NIYONG HUMOR. OO GIGIL NA GIGIL AKO AT DAPAT LANG. Bata ba naman ganyanin mo!?” sabi naman ni Dior Veneracion.
Samantala, tila unbothered naman si Rasta G at sa halip na magpaliwanag ay nag-post lang ito ng promotional videos ng isang brand.
The post Vlogger Rasta G kinondena sa hateful post sa mga batang hindi ‘cute’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 18, 2026
Rating:

No comments: