Risa Hontiveros: Pag-‘hostage’ ng school records dahil sa utang, ipagbawal
NAGHAIN ng panukalang-batas si Sen. Risa Hontiveros na layong ipatigil ang pang-iipit ng mga paaralan sa school records dahil sa utang ng estudyante sa matrikula.
Ikinatwiran ni Hontiveros sa inihain na Senate Bill 1964 o ang panukalang Right to Student Records Act na maraming estudyante ang kapos sa buhay kaya’t hindi makapagbayad ng matrikula.
Aniya dahil sa pag-iipit ng school records hindi makalipat sa ibang eskwelahan ang estudyante para maipagpatuloy ang pag-aaral.
Magagamit ng mag-aaral na basehan, ayon pa kay Hontiveros, ang batas para mahingi sa iniwan na paaralan ang kanilang school records.
Tiwala pa si Hontiveros na magagamit ng mga paaralan ang batas para sa pagsisimula ng kanilang Student Records Assistance Mechanism para naman sa paniningil sa mga estudyante ng balanse sa matrikula.
The post Risa Hontiveros: Pag-‘hostage’ ng school records dahil sa utang, ipagbawal appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 24, 2026
Rating:

No comments: