QC residents pinayuhang mag-face mask dahil sa ‘unhealthy’ air quality
MAGSUOT ng face mask kapag lalabas ng bahay.
Ito ang payo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City matapos makitaan ng nakababahalang lagay ng hangin sa lungsod
Ayon sa latest ng Air Quality Index (AQI), ang ilang bahagi ng QC ang tinamaan ng “UNHEALTHY” at “VERY UNHEALTHY” na kalidad ng hangin.
Kaya ang paalala ng QC LGU, kung hindi talaga maiiwasan ang paglabas, lalo na sa mga senior citizens, buntis, at may mga sakit sa paghinga gaya ng hika, siguraduhing may face mask para proteksyon laban sa polusyon.
Baka Bet Mo: Ayuda huhubaran ni Erwin Tulfo ng politika, babawasan ng mga dokumento
Patuloy namang mino-monitor ng QC government ang AQI para updated lagi ang publiko sa lagay ng hangin sa lungsod.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa AQI, maaaring makipag-ugnayan sa Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD): https://www.facebook.com/share/1BnCkmDobZ/?mibextid=wwXIfr
Kung may health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring tumawag sa City Health Department sa Tel. No. (02) 8929-8038.
Para naman sa iba pang agarang tulong o aksyon, bukas ang QC Helpline 122.
Ang resulta ng air quality ay maaaring dulot ng usok mula sa nangyaring sunog sa Navotas Landfill noong April 10, pero idineklarang under control noong April 12.
The post QC residents pinayuhang mag-face mask dahil sa ‘unhealthy’ air quality appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 20, 2026
Rating:

No comments: