Angel Locsin retirado man: Buong puso, hanggang ngayon para sa ABS-CBN
NAGPAHAYAG na rin ng kanyang suporta sa ABS-CBN ang aktres na si Angel Locsin na kahit hindi raw Lopez ang apelyido niya ay mananatili siyang Kapamilya.
Ipinost ni ‘Gel ang mga programang nagawa niya noon sa Kapamilya network noong may prangkisa pa at bago siya nagbakasyon apat na taon na ang nakararaan.
Ang caption ni Angel sa mga larawang pinost niya, “Kapamilya?
“Hindi man Lopez ang apelyido ko—I may be retired and no longer an employee—pero ang puso ko, nandito pa rin. Titindig para sa ating pamilya (praying hands emoji).
“True to your slogan: ‘Once a Kapamilya, always a Kapamilya.’
“Buong puso, hanggang ngayon—para sa ABS-CBN. (heart emojis). #kapamilyaforever.”
Kulang 40,000 ang nag-heart sa post na ito ng aktres at almost 800 naman ang mga komentong suportado siya.
Aliw naman ang sagot ni Angel sa komento ng asawang si Neil Arce na bata pa lang siya ay napapanood na niya ito.
Komento ni Neil sa mga larawan ng programang nagawa ng asawa, “Naalala ko yan pinapanood ko nung bata pa ko.”
Ang daming natawa sa komentong ni Neil at umabot sa mahigit 200 likes.
Sagot ni Angel sa asawa, “@neil_arce sakalin kita ng 10x.”
Anyway, may followers ang aktres na nagsabing, “’I may be retired maybe?’ ‘wagg naman sana.”
Sabi naman ng stepson ni Angel na si Joaquin Arce, “Goat posting” na sinagot naman ng una ng smiling face emoji. Ang ibig sabihin ng Goat ay Greatest of All Time.
Maraming Kapamilya stars din ang nag-post ng heart emoji kay Angel tulad nina Bianca Gonzales-Intal, TV executive na si Mama Bear o Cynthia Jordan, “I miss you and love you ‘Gel’ na sinagot ng tatlong red heart emoji ng aktres.
Sabi naman ni Direk Lester Pimentel Ong, “Your Kapamilya are still waiting for your comeback project (heart and praying hands emoji).”
Sabi ng kilalang photographer na si Marc Nicdao, “Bessst times.”
“My loves,” naman ang sagot ni ‘Gel sa kaibigang photog.
Ang dami pang komento na halos lahat ay sinasagot ni Angel.
Grabe, apat na taon nang nananahimik ang aktres pero heto at hindi pa rin siya nalilimutan sa showbiz! Iba kasi ang naging kontribusyon ni Angel na tumatak sa lahat at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang kanyang pagbabalik.
Iba ka Angel Locsin, solid Kapamilya!
The post Angel Locsin retirado man: Buong puso, hanggang ngayon para sa ABS-CBN appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 20, 2026
Rating:

No comments: