Polo Ravales may ‘unforgettable moment’ kay Dingdong Dantes
MULING binalikan ni Polo Ravales ang mga memories niya sa pag-arte noong kasagsagan pa ng kanilang youth-oriented show na “T.G.I.S.” kung saan kasama niya sina Dingdong Dantes at Dino Guevarra.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, April 21 kung saan kasama niya si Ketchup Eusebio ay nabahagi niya ang mga unforgettable moments noon.
“Alam mo, Tito Boy, kasi noong time na ‘yun parang naglalaro lang kami, kasama ko si Dingdong Dantes. Tsaka, ‘yun ang one of my first TV shows, so talagang memorable,” lahad ni Polo.
Pagpapatuloy niya, “Lahat kami friends, e Tito Boy. Dingdong (Dantes), Dino (Guevarra) during those times we go out, like gumigimik kami. Barkada talaga.”
Baka Bet Mo: Polo Ravales, Kim Delos Santos nagkita after 25 years: ‘Happy to see you again!’
Hindi rin malilimutan ni Polo kung gaano ka-generous si Dingdong Dantes dahil ito pa ang nagturo sa kanya kung paano mag-drive.
“Dun din ako natutong mag-drive, parati ko ginagamit ang kotse ni Dingdong, parati ko hinihiram. Tinuturan din niya ako mag-drive sa village,” kuwento pa ng aktor.
At sa tuwing gumigimik nga ras sila noon ay to the rescue sa kanya sina Dingdong at Dino.
“Talagang minsan pagka gumigimik kami, talagang inuumaga na kami, Tito Boy. At si Dingdong and Dino ‘yung passes ko sa Mom ko. Kasi, ako ‘yung pinaka-youngest sa kanila, e. So, pagka nagpaalam ako hinahabilin ako ng Mom ko kina Dong at Dino na ‘Kayo na bahala dito kay Paul, ah’,” sabi pa ni Polo.
Muling magbabalik ang aktor sa pag-arte dahil parte sita ng pinakabagong proyekto na “The Master Cutter” kung saan muli niyang makakasama si Dingdong.
“When I do acting lalo na ngayon, when you get to be mature as an actor. Parang, ibibigay mo lahat kada eksena. Kahit na maliit na eksena talagang you are gonna give your all. Walang tira, kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ka may trabaho, so ako talaga I gave my 100 percent,” amin pa ni Polo.
The post Polo Ravales may ‘unforgettable moment’ kay Dingdong Dantes appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 24, 2026
Rating:

No comments: