Fyang Smith proud sa ina na naka-graduate ng culinary: ‘Papatayuan ko ng resto!’
NAGTAPOS na sa culinary school si Myrna Smith, ang ina ng Kapamilya actres at PBB Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith!
Ito ang lubos na ipinagmamalaki mismo ng young actress sa latest YouTube vlog ni Karen Davila.
“Ngayon napa-graduate na ng daddy ko ‘yung mommy ko ng culinary,” bunagd niya.
Kwento pa niya, “Nung sinabi [ni mommy] po sa akin na, ‘Nak may diploma na ako,’ feeling ko po iyon ‘yung matagal-tagal na niyang inaasam, na magka-diploma.”
Baka Bet Mo: Dustin Yu inilantad sina JM Ibarra at Fyang Smith: Mga totoong tao sila!
Hindi maitago ni Fyang ang sobrang saya para sa ina na dating OFW at ngayon ay isa nang certified culinary graduate matapos ang dalawang taon ng seryosong pag-aaral.
“Sobrang proud na proud ako ako kay mommy kasi two years po siyang na nag-aaral every day,” dagdag pa niya.
At dahil sa achievement ng ina, ang bonggang pangarap ni Fyang ay maipatayo ito ng sariling restaurant kapag nagkaroon na siya ng sapat na ipon.
“Masarap po siya magluto eh, sobrang sarap niya po magluto, siguro po ‘pag nakaipon po ako ng para kay mommy, papatayuan ko po siya ng restaurant na gusto po niya para magamit naman po niya ‘yung pagka-culinary student niya,” chika ni Fyang.
Bukod sa proud moment sa pamilya, ibinahagi rin ng aktres ang kanyang sariling laban sa buhay-estudyante habang abala sa showbiz career.
Kasalukuyan siyang kumukuha ng ABM (Accountancy, Business, and Management) pero aminado na iba talaga ang dream niya.
“Nag-aaral pa po ako hanggang ngayon. Ngayon po ang kinuha ko pong course ay ABM. Pero gusto ko po [mag-medicine],” pagbubunyag niya, sabay dagdag na pangarap niyang maging surgeon someday.
Samantala, nakatakdang mapanood si Fyang sa bagong pelikula nila ng kanyang love team na si JM Ibarra na “Almost Us,” na ipapalabas sa mga sinehan sa May 6.
The post Fyang Smith proud sa ina na naka-graduate ng culinary: ‘Papatayuan ko ng resto!’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 24, 2026
Rating:

No comments: