Miguel Tanfelix hindi pa handang mag-settle down: ‘Kailangang buo muna kami’
MAY forever na nga ba ang isa sa mga pinaka-sweet na love team sa totoong buhay na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega?
Sa latest interview ni Miguel kay King of Talk Boy Abunda, diretsahan na tinanong ang Kapuso actor kung nasaan na nga ba ang estado ng kanilang relasyon matapos ang tatlong taon bilang magkasintahan.
At sagot ni Miguel: “Very stable kami ngayon. We’re very happy. Ako, sobrang love ko si Ysabel.”
Dagdag pa niya, “Para sa amin, mas pinapayaman muna namin ‘yung sarili naming karanasan. Siguro mas pinapa-mature muna namin ang isa’t isa bago kami mag-step forward. Kasi naniniwala kami na kailangang buo muna kami.”
Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix iniyakan breakup kay Barbie Forteza, pero move-on agad
Syempre, hindi pinalampas ni Tito Boy na usisain kung may nag-uusap na ang dalawa tungkol sa kasalan.
“Yes, Tito Boy…napag-uusapan namin ‘yung mga plano namin, anong age gustong magpakasal, ganyan,” pag-amin ng binata.
At nang tanungin kung kailan ang target nilang magpakasal.
“Ako, ang sinasagot ko mga early to mid 30s. Matagal-tagal pa. Marami pa kailangang gawin,” sey ni Miguel.
Kung matatandaan, nag-umpisa ang closeness nina Miguel at Ysabel nang magsama sila sa GMA live-action series na “Voltes V: Legacy” na ipinalabas noong 2023.
Doon nagsimula ang mga chikang “may something na ba?” hanggang sa noong December 2023 ay kinumpirma na ng dalawa na exclusive na talaga sila.
Habang ini-enjoy ang relasyon kay Ysabel, abala rin si Miguel sa mga bagong proyekto.
Mapapanood siya sa five-part magazine infotainment special na “Planet XP,” na first hosting assignment niya.
At hindi pa diyan natatapos, dahil may upcoming GMA series pa siya na “Firewall.”
The post Miguel Tanfelix hindi pa handang mag-settle down: ‘Kailangang buo muna kami’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 23, 2026
Rating:

No comments: