Matet de Leon: Eto nga pala ang ngiti ng mga ampon na walang mana!
IBA-IBA ang naging reaksyon ng netizens sa latest social media post ni Matet de Leon tungkol sa isyu ng mana sa kanilang pamilya.
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang umano’y hindi pagkakaunawaan ng biological son ni Superstar Nora Aunor na si Ian de Leon at ng mga kapatid niyang adopted.
May kinalaman ito sa usapin ng mga naiwang ari-arian umano ng namayapang National Artist at ang pangangasiwa sa itinatag ni Ian na Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation.
Mismong ang aktor ang nag-announce na siya ang solong legal na tagapagmana ni Ate Guy at naatasang mamuno at magtaguyod sa lahat ng naiwang property at legasiya ng yumaong showbiz icon.
Maraming nagtatanong kung may last will and testament nga ba si Ate Guy na nagsasabing si Ian nga ang sole heir ng kanilang ina. Tuluyan na nga bang naetsapwera sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko sa eksena?
Sa kanyang Facebook page, nag-post si Matet ng litrato nilang magkakapatid minus Ian. Sa caption, sinabi niyang wala silang pakialam sa isyu ng mana.
“Post ko lang uli.
“Eto nga pala ang ngiti ng mga ampon na walang mana. Mukha ba kaming may pake?” ang hugot ng aktres.
Narito ang mga reaksyon ng netizens sa comments section ng post ni Matet.
“Kahit naman walang mana atleast nabigyan nang magandang bukas db …at magandang aura hehehe at nakilala sa mundo ng showbiz.”
“Ako din walang mana.. nasa mga kapatid ko.lahat.. tunay kaming mgkakapatid pero masaya din ako kahit paano para sa kanila.”
“Hindi kailangan ng mana basta masaya at may peace of mind lang. Ang pera pwedeng kitain.”
“What Matet wants to point out is…kahit wala man silang makukuhang mana ay masaya pa din silang inampon ni Nora dahil nananatili ang respeto at pagmamahalan sa kanila. Sapat na iyon, at naipamana ni Ate Guy ang pagmamahal na tunay na kanyang taglay. God Bless u Matet and family.”
“Ma’am Matet ganyan din ako ma’am importante napalaki tayo ng maayos at nabigyan ng magandang buhay. Proud pa nga ako.”
“Parang ako din walang mamanahin! Pero salamat pa Rin dahil lumaki ako na maayos at nakapag aral kesa naging palaboy. Salamat nanay tatay.”
“Ang sweet mman .. hug.. infairness napalaki kayo ng maayos at minahal kayo , ang gaganda, popogi, pinag -aral , at smart at maayos n katayuan ang importante minahal kayo ng Superstar ,ipinagmalaki nya sa buong Pilipinas na anak kayo ni Miss Nora Aunor.”
“Meron kayong minana, un kabutihang ugali ni guy, Yun lang sapat na matet.”
“Yon bigyan ka ng pagmamahal at pangalan dagdag points na un pinalaki ka at pinag aral. Wow hi di naman sila ginawang kawawa ng nabubuhay si nora. Ganun talaga mahalaga nagmamahalan sila at lumaki sila madami ng pera na nahawakan lalo ng kabataan nila d ba. Talagang kumita sila. Is not about the money is all about love and acceptance . No blood related but more than flesh and blood.”
“Napakalaki na nga ng mana nyo! Ang pagiging anak ng Superstar ay napakalaking mana na dapat ipagpasalamat! God bless you all!”
The post Matet de Leon: Eto nga pala ang ngiti ng mga ampon na walang mana! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 23, 2026
Rating:

No comments: