Kylie Verzosa nadulas na may ‘mother-in-law’ na umano, kasal na ba?
MARRIED na ba ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa?
Ito ang tanong ng maraming netizens matapos banggitin ni Kylie sa kanyang latest segment ng “Almost Honest” podcast na mapapanood sa YouTube account na may mother-in-law na umano siya.
Ang kapanayam ng beauty queen ay ang batikang aktres na si Iza Calzado, kung saan ang mga pinag-usapan nila ay tungkol sa womanhood, motherhood, reinvention, mental health, at kung ano pang update sa buhay.
Matapos ang intro na ipinapakilala ang guest na celebrity mom, napag-usapan ang huli nilang pagkikita at diyan naging agaw-pansin ang sinabi ni Kylie.
Baka Bet Mo: Kylie Verzosa na-invade ang privacy, dinagsa ng random messages
“Okay, so the last time we saw each other, I was with my mother-in-law,” bungad ng Miss International 2016, na nagpataas ng kilay ng mga nakikinig.
“Yes!” ang excited na sagot naman ni Iza.
Patuloy naman ni Kylie, “And Iza was right behind us together with her husband. I was like, ‘Iza, I need you on the podcast’.”
“‘Cause I know you’ve done so much, and like when I got you on as a guest, I’m like, ‘What are we gonna talk about?’ ‘Cause there’s such a wealth of things we can talk about. So parang excited na excited ako,” kwento pa ng beauty queen.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/NlfmIObuqn4?si=_QEkqkEH2KXq2vHO" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>
Wala pang kumpirmasyon mismo mula kay Kylie kung ikinasal na nga siya sa non-showbiz boyfriend at entrepreneur na si Emil Eriksen, pero matatandaan noong Pebrero nang umamin ang beauty queen na engaged na sila.
Nangyari pa nga raw ang proposal ni Emil habang nagha-hike sila sa Côte d’Azur, France.
Noong 2024, sinabi na ni Kylie na hindi pa niya opisyal na ipinapakita si Emil sa social media dahil mahalaga sa kanila ang privacy.
Sa panahong iyon, kinumpirma ng dalawa na halos dalawang taon na silang magkarelasyon at pinili ang low-key na relasyon.
The post Kylie Verzosa nadulas na may ‘mother-in-law’ na umano, kasal na ba? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 18, 2026
Rating:

No comments: