BREAKING NEWS

BINI nanindigan para sa ABS-CBN: Salamat sa pagtanggap

BINI nanindigan para sa ABS-CBN: Salamat sa pagtanggap

NAGLABAS ng pahayag ang tinaguriang nation’s P-pop girl group na BINI hinggil sa kasalukuyang pinagdaraanan ng kanilang home network na ABS-CBN.

Sa kanilang latest Facebook post nitong Miyerkules, April 17, isang official statement bilang grupo ay inilahad ng walo na alay nila ang kabilay Week 2 performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival para sa ABS-CBN.

“Sa mundong walang sigurado, may mga bagay pa rin na hindi magbabago. Palagi naming babalikan kung saan kami nagsimula. Mga taong unang naniwala sa BINI at sa tahanan na nagbigay sa’min ng chance para matupad ang mga pangarap namin.

“Hindi man kami personal na makapagpakita ng suporta ngayon, gusto naming malaman ninyo na kasama namin kayo sa bawat hakbang

at sa bawat dasal,” nakasaad sa naturang statement.

Baka Bet Mo: BINI certified Pinoy pride, celebs super proud sa Coachella performance ng girls

Pagpapatuloy ng BINI, “Bukod sa aming Blooms, ang aming Week 2 performance sa Coachella ay para sa kompanyang tumanggap, lumaban, at tumupad sa mga pangarap naming minsan inakala naming hanggang panaginip lang.

“Sa ABS-CBN, maraming maraming salamat po. Salamat sa pagtanggap sa walong babae na walang kasiguraduhan noon kundi ang kagustuhang mangarap.”

Nagpasalamat rin ang BINI dahil sa pagbibigay ng ABS-CBN ng tahanan, boses, at pagkakataon para maipakita nila kung sino sila at kung ano ang kanilang kakayahan.

“Alam naming maraming pinagdadaanan ngayon at sa maliit na paraan, sana ang performance na ito ay magsilbing paalala na ang mga pangarap na binuo ninyo, ang mga artistang pinalaki at minahal ninyo, patuloy na lalaban at magbibigay-inspirasyon saan man kami dalhin ng panahon.

Sa huli, tiniyak ng BINI na bibitbitin nila ang ABS-CBN sa bawat hakbang, kanta, at tagumpay.

“At habang patuloy kaming umaakyat sa mas malalaking entablado, dadalhin namin kayo sa bawat hakbang, sa bawat kanta, at sa bawat tagumpay. Dahil ang tagumpay naming ito, hindi lang sa amin… tagumpay din ito ng ABS-CBN,” sabi pa ng nation’s girl group.

Matatandaang usap-usapan kamakailan ang ulat na isa sa mga miyembro umano ng pamilya Lopez ang nagpanukalang isara na nang tuluyan ang ABS-CBN.

Ito ay dahil umano sa mga financial obligations na lubos na naapektuhan simula nang hindi aprubahan ang franchise renewal ng estasyon noong 2020.

The post BINI nanindigan para sa ABS-CBN: Salamat sa pagtanggap appeared first on Bandera.


Uploaded Image
BINI nanindigan para sa ABS-CBN: Salamat sa pagtanggap BINI nanindigan para sa ABS-CBN: Salamat sa pagtanggap Reviewed by pinoyako on April 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close