JM de Guzman umaming nawala ang relasyon kay Lord; iyak nang iyak
NANG ialok pala kay JM de Guzman ang seryeng “My Bespren Emman” ng TV5 ay may pinagdaraanan siya sa personal niyang buhay.
Naikuwento niya ito sa ginanap na grand mediacon ng programa sa Cities Events Place kahapon, Miyerkoles, Abril 22.
Aniya, “I lost my relationship with God and this show helped me reconnect with Him. Naalala ko ‘yung pumunta si Direk Derick (Cabrido) sa condo namin (at) kinukuwento niya ‘yung istorya, ‘yung karakter, backstory iyak lang ako nang iyak.
“Kasi nataon na kailangan ko talaga sa buhay ko ngayon. Kailangan ko si God, kailangan ko si Emman sa buhay ko ngayon,” sabi ng aktor.
Bagama’t naka-recover na siya sa mga nangyari sa kanya ay marami pa rin siyang pagsubok na pinagdaraanan na napapaisip siya kung bakit at hindi na ba siya makakawala?
“Nu’ng dumating si My Bespren Emman, si Mateo (karakter niya) ay parang nagkaroon na ako ng enlightenment, nagbago lahat ‘yung pananaw ko ulit.
“Parang na-realize ko lahat na ‘yung mga pinagdaanan ko noon, depression, anxiety, ay ni-lead ako dito to prepare me for this show,” katwiran ng aktor.
Sa intimate interview kina JM, Shaina Magdayao, Sid Lucero at Ai Ai delas Alas pagkatapos ng mediacon ay natanong ang una kung kumustang makatrabaho ang ang tatlo dahil tiyak na may malaking pagbabago na dahil ilang taon na ang nakalipas.
“Wala po akong masabi sa kanila kasi minsan pag hindi ako makaiyak, hindi ako maka-emphatize (relate) sa character kinukuha ko mga kamay nila.
“Minsan hindi ko na hinihingi hahawakan na nila ako, kakausapin ako ni Ms. Ai Ai at yayakapin, si Shaina rin sabi niya pag kailangan mo ang kamay ko nandito lang ako. Si Sid din, hindi na nila kailangang gawin pero they’re always there for me,” pahayag ni JM.
Binati namin ang aktor na maganda ang aura niya ngayon at napangiti siya at nagpasalamat. Naisip naming maganda ang dulot sa kanya ng girlfriend na si Donnalyn Bartolome dahil naturuan pa siya nitong magnegosyo.
Sariling effort pa rin daw ito ng aktor na baguhin ang sarili at sobrang laki na raw talaga ang pagbabago nito at ganado laging magtrabaho say sa amin ng handler niya sa Star Magic
Anyway, ang “My Bespren Emman” ang isa sa dalawang programang kasama sa Primetime Pa5iklab ng TV5 na lalong magpapalakas ng TodoMax Primetime Singko.
Ang “My Bespren Emman” ay co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, sa direksyon ni Derick Cabrido at Jerome Pobocan. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “A Secret in Prague.”
The post JM de Guzman umaming nawala ang relasyon kay Lord; iyak nang iyak appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 25, 2026
Rating:

No comments: