Bawas-presyo sa diesel posibleng aabot sa P10/L sa April 28
MAY magandang balita next week, mga ka- BANDERA!
Asahan ang panibagong rollback sa presyo ng diesel sa darating na April 28.
Ayon sa isang source sa industriya, na iniulat ng INQUIRER, posible itong matapyasan ng P8 hanggang P10 kada litro.
Sakaling mapatupad, ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng langis sa bansa.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos: Pilipinas may sapat na crude oil supply hanggang June 30
Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng P1 kada litro o manatiling walang galaw.
Matatandaang simula nang sumiklab ang gulo sa Middle East noong February 28, sunod-sunod ang malalaking dagdag-presyo sa diesel kada linggo.
Ngunit dahil sa mga usapin ng ceasefire at posibleng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga lider ng Estados Unidos, Iran, at Israel, humupa ang pressure sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
The post Bawas-presyo sa diesel posibleng aabot sa P10/L sa April 28 appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 25, 2026
Rating:

No comments: