BREAKING NEWS

Andrea Brillantes, Enrique Gil ‘nag-boxing’ para hindi ginawin sa Prague

NAGULAT kami nang aminin ni Andrea Brillantes na unang beses niyang makakita ng snow kaya challenge para sa kanya iyon dahil kailangan niyang labanan ang lamig habang sinu-shoot nila ang TV series na “A Secret in Prague”.

Nabanggit ito ng aktres sa nakaraang mediacon ng serye nila ni Enrique Gil kasama ang buong cast ng “A Secret in Prague” na ginanap sa Cities Events Place along Esguerra Street, Quezon City.

Sa pagkakatanda namin ay Disyembre lumipad ang grupo patungong Czech Republic para sa action-romance series mula sa direksyon nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria na co-produced ng Slingshot Studios na bahagi ng Primetime Pa5iklab ng TV5 at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 8 pm sa TV5 at Netflix simula sa Biyernes, Abril 24.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Enrique Gil may nilulutong proyekto, bagong tambalan?

Mala-Elsa ng Frozen Princess si Andrea na talagang buong kalamnan ay nanginginig na kahit naka fur coat pa pero siyempre kailangang emote siya na sanay siya sa lamig dahil nga limitado lang ang oras nila sa entire shoot.

“Yung loob no’n manipis cold never bothered me anyway.’ But it did bother me. Big time,” say ni Andrea.

Dagdag pa niya, “I think ang makitang challenge para sa akin nun is first time ko lang kasi makikita ng snow. And noon excited na-excited ako syempre. Wow! Tapos ang unang-una kong ginawa, binato ko ng snowball si Quen (Enrique). Kasi never ko pa ‘yun nagagawa. Tapos unang-una syempre na-excite ako. Tapos nu’ng gabi na, hindi na ako excited. Mahirap na kaming magsalita. Tapos nabubulol na kami. nagba-boxing-boxing kami kapag malamig na para uminit ‘yung katawan namin ‘Yan po siguro naging challenge for me. Pero okay lang.”

At bilang co-producer si Enrique ay may mga inputs siya kaya nagbiro ang writer ng show na baka mawalan siya ng trabaho dahil sa magagandang ideas ng aktor.

Say ni Quen, “Super, sobrang saya it’s been going on for a couple of years now. Sobrang tagal kasi, it does not feel real.”

Timing ang promo ng serye dahil nga nabalitang nahuli na si Zaldy Co sa nasabing bansa kaya nagkatawanan kung anong meron sa Prague at doon ang takbuhan ng mga taong ayaw magpakita.

“Yun ang sikreto talaga, e. Kaya ‘yun ‘yung pinili namin. It’s a very mysterious place. Napakaganda rin po talaga niya.

“At maraming, you know it’s a place where you want to escape, you hide. Pero lahat naman ng sikreto ay lalabas din eventually,” kuwento ng aktor.

Big budgeted ang “A Secret in Prague” dahil malalaki ang mga artista at ilan sa cast ay kasamang lumipad sa nasabing bansa tulad nina Kim Domingo, Joel Torre, Cedrick Juan, Ruben Soriquez, at K Brosas na ipinagmamalaki nila ang Filipino core at cinematic na kalidad ng serye.

Ang kuwento ay tungkol sa bidang si Mikoy (Enrique) na isang tapat na kapatid na nag-OFW sa Prague para sa isang magandang kinabukasan pero sa hindi inaasahan ay napasama sa isang organisasyon para tiktikan si Chiara (Andrea) na anak pala ng isang boss ng mafia na si Ruben.

Para sa amin ay fresh sa paningin ng bawa’t manonood ng “A Secret in Prague” base sa napanood naming tatlong episodes sa ginanap na advance screening sa Gateway 2 Cinema 12 dahil ililibot tayo sa magandang bansang ito at ipapakita ang kultura nil ana may pagkaka-pareho rin sa mga Pinoy.

Romcom na may aksyon ang genre ng “A Secret in Prague” at natuwa kami kay Quen, ang fresh niya ngayon na parang noong nagsisimula palang siya hindi halatang dumaan sa matinding pagsubok dahil sa lovelife.

 “Masaya po na makabalik po ulit at makapagpasaya po ng mga tao na makita po uli kami ng taumbayan gabi-gabi. Ang gusto ko lang po to bring back the magic sa teleserye, alam niyo yun, sa TV series.

“Hindi ko naman sinabing nawala po. Pero yung lightness, yung relief na binibigay ko po dati, ‘yun lang po ang na-miss ng mga fans sa akin. ‘Yun lang po ‘yung gusto kong maibalik,” pahayag ni Quen.

Welcome back Enrique sa telebisyon at siyempre with new leading lady, Andrea na bagay sila on and off camera, pero sab inga ng binata, work muna.

The post Andrea Brillantes, Enrique Gil ‘nag-boxing’ para hindi ginawin sa Prague appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Andrea Brillantes, Enrique Gil ‘nag-boxing’ para hindi ginawin sa Prague Andrea Brillantes, Enrique Gil ‘nag-boxing’ para hindi ginawin sa Prague Reviewed by pinoyako on April 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close