BREAKING NEWS

Harry Roque barag na barag kay Castro sa isyu ni Zaldy Co: Fake news peddler

Harry Roque barag na barag kay Castro sa isyu ni Zaldy Co: Fake news peddler
Bongbong Marcos, Claire Castro at Harry Roque

BOLDYAK na naman si dating presidential spokesperson Harry Roque kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro.

Inalmahan ng Malacañang ang naging pahayag ni Roque patungkol sa pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa Czech Republic kamakailan.

Ipinagkakalat ni Roque na hindi raw totoong nadakip si Co sa Czech Republic tulad ng inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos.

“Fake news alert: Zaldy has not been arrested. No Filipino was apprehended in Prague. Bakit Presidente pa ang nagkakalat?” ang pahayag ni Roque sa kanyang Facebook post.

Hirit naman ng Malacañang, bakit daw paniniwalaan ang isang fake news peddler, samantalang, naghayag na si PBBM at si Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick Vida hinggil sa pagkakadakip kay Co.

“Ang Pangulo po ay nagsalita na, si Secretary Vida ay nagsalita na rin… So, bakit po ba natin paniniwalaan ang fake news peddler?” sey ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing ng PCO. 

Sinagot din ng Palasyo ang mga nagtatanong kung bakit wala pang mga litrato o video na magpapatunay na naaresto nga ang dating mambabatas.

“Kasi mayroon pong ibang country na involved. So, maingat po ang gobyerno sa pagbibigay ng anumang anunsyo.

“Hayaan na lamang po natin na magtrabaho ang ating gobyerno,” sabi pa ni Castro.

Naniniwala naman ang Kalihim ng DOJ na maiiuwi si Co sa Pilipinas, “Dahil ang ating hinahabol, ang ating pinipilit na mapauwi sa atin, ay naakusahan sa usapin ng korapsyon. 

“Ito ay isang confidence na kapag tinanong ninyo sa atin, ‘Bakit confidence si Secretary Vida?’ Ito po ‘yong isang pinanghahawakan, kasi alam natin na sa Czech Republic, hindi nila kinukunsinti ang korapsyon,” ang pahayag ni Sec. Vida sa isang press briefing.

Inanunsyo ni PBBM kamakailan na nahuli si Co sa Czech Republic matapos umano itong hindi payagang makapasok sa Germany.

The post Harry Roque barag na barag kay Castro sa isyu ni Zaldy Co: Fake news peddler appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Harry Roque barag na barag kay Castro sa isyu ni Zaldy Co: Fake news peddler Harry Roque barag na barag kay Castro sa isyu ni Zaldy Co: Fake news peddler Reviewed by pinoyako on April 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close