Ellen Adarna, John Lloyd Cruz muli nga bang magtatambal sa isang proyekto?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang kumakalat na larawan ng dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kasama ang GMA Executive Annette Gozon.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng Kapuso exec ang larawan nila na tila kuha habang sila ay nasa isang dinner kasama ang iba pa.
All smiles at magkatabi pa sa table sina Ellen at John Lloyd.
“Ending the work week with exciting conversations,” saad ni Ms. Annette sa caption ng kanyang post.
Baka Bet Mo: Ellen Adarna, mga anak ka-bonding sina John Lloyd, Isabel sa Amanpulo
Kaya naman palaisipan sa madlang netizens kung nangangahulugang ito na ang big comeback nina Ellen at John Lloyd sa showbiz matapos ang kanilang ilang taong pamamahinga sa mundo ng showbiz.
Hirit ng ilan, maaaring isang pelikula o kaya isang teleserye ang pagsamahan ng dalawa na ipo-produce under GMA Network.
Sa kabila ng mga hinala ng netizens ay wala pa namang opisyal na anunsyo sina Ellen, John Lloyd, maging ang boss ng GMA hinggil sa mga bulung-bulungan ng mga marites.
Pansin rin na talagang in good terms ang dalawa dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang ex-couple.
Matatandaang nagpasalamat kamakailan si Ellen kay John Lloyd sa isang beach getaway sa Amanpulo kasama ang anak nilang si Elias, anak niya kay Derek Ramsay na si Lili, at ang girlfriend ni JLC na si Isabel Santos.
The post Ellen Adarna, John Lloyd Cruz muli nga bang magtatambal sa isang proyekto? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 21, 2026
Rating:

No comments: