Elisse Joson hindi minamadali ang pag-ibig, waiting sa ‘right person’
NILINAW ng Kapamilya actress na si Elisse Joson na single siya ngayon at walang karelasyon.
“Yes. Right now, yes,” sagot ni Elisse matapos tanungin ng ABS-CBN tungkol sa kanyang love life.
Sa parehong interview, sinabi rin ng aktres na hindi siya nagmamadali pumasok sa panibagong relasyon.
Para sa kanya, mas mahalaga ang tamang timing kaysa sa minamadaling pag-ibig.
Baka Bet Mo: Elisse Joson ayaw nang balikan si McCoy de Leon? ‘Focus sa anak na lang’
“It takes the right person and the right timing to get into a relationship,” wika niya.
Sa kanyang pinagdaanan sa buhay at showbiz, mas naging maingat at mas “wise” na raw siya pagdating sa desisyon sa pag-ibig.
Mas pinag-iisipan na rin niya ngayon ang mga bagay-bagay, lalo na’t hindi na lang sarili niya ang iniintindi.
Bilang isang ina, mas binigyang-diin ng aktres na ang kanyang anak ang pangunahing prioridad niya sa ngayon.
Sa madaling sabi, hindi pa raw siya open sa panibagong romance dahil nasa motherhood journey pa siya at mas pinipili ang stability kaysa sa mabilisang kilig.
Kung matatandaan noong July 2025, kinumpirma ni Elisse na naghiwalay na sila ng aktor na si McCoy de Leon.
Nagsimula ang love story nila sa “Pinoy Big Brother” house noong 2016 at naging on-and-off ang kanilang relasyon.
Nagkaroon sila ng unang breakup noong 2018, nagkabalikan bago mag-COVID-19 pandemic, at sabay na nag-welcome ng kanilang anak na si Felize noong 2021.
Noong 2023, nabulabog ang relasyon dahil sa mga chismis ng infidelity, pero tila naayos rin nila ito makalipas ang isang buwan.
The post Elisse Joson hindi minamadali ang pag-ibig, waiting sa ‘right person’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 17, 2026
Rating:

No comments: