BREAKING NEWS

Enchong Dee blinock umano ng French airline, binantaan pa ng visa revocation

Enchong Dee blinock umano ng French airline, binantaan pa ng visa revocation
PHOTO: Instagram/@mr_enchongdee

TILA galit na galit si Enchong Dee dahil sa umano’y racist treatment na naranasan niya sa isang international airline.

At ang nakakaloka pa, blinock o hinarang pa ang kanyang ticket patungong France!

Ayon sa Instagram Stories ng aktor, hindi niya inaasahang mangyayari ito sa kanya habang nasa biyahe abroad.

Masyadong abala raw ang nangyari dahil napilitan pa siyang magpalit ng airline at bumili ng bagong ticket para lang makarating sa kanyang destinasyon.

Baka Bet Mo: Enchong Dee binansagang ‘Patron Saint of Relapse’, minumulto ni Erich?

Sa isang Instagram Stories na expired na, diretsahang kinuwestyon ni Enchong ang Air France matapos umano siyang ma-“offload” o ma-block ang kanyang ticket dahil sa hindi malinaw na dahilan. 

Bukod diyan, nagbanta pa raw ang isang opisyal na ipapa-cancel ang kanyang Schengen visa.

Dahil dito, napilitan siyang bumiyahe patungong France sa ibang ruta at bumili ng bagong ticket sa Etihad Airways.

“Threatened to revoke my Schengen Visa, mind you these are not immigration officers but rather ground staff or Air France in Bangkok. So I bought a new ticket to land straight to London then went to Paris to follow the rules still flying with Air France, kasi baka naman sila,” kwento niya.

Patuloy ng binata, “I got my boarding pass from Madrid to Bangkok. When I got to the airport, I found out they blocked my ticket. So what to do? I bought a new ticket with @etihad instead right then and there.”

Sa huli, sinubukan ni Enchong na baguhin ang pananaw sa nangyari,at nakita na lang ang silver lining dahil nakapag-extend pa siya ng stay sa Spain. 

Pero hindi pa rin nito napigilang maglabas ng saloobin laban sa airline.

“I get to spend an extra whole day in Madrid. I’ve seen all their terminals since I’m transferring from one terminal to another,” chika niya.

Giit pa niya, “@airfrance again, you suck!”

Enchong Dee blinock umano ng French airline, binantaan pa ng visa revocation
PHOTO: Instagram Stories/@mr_enchongdee

Sa kabila ng aberya, ibinahagi rin ng aktor na nagawa pa rin niyang ma-enjoy ang kanyang bakasyon sa France kung saan napuntahan niya ang Arc de Triomphe at iba pang tourist spots.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Air France kaugnay sa reklamo ni Enchong.

The post Enchong Dee blinock umano ng French airline, binantaan pa ng visa revocation appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Enchong Dee blinock umano ng French airline, binantaan pa ng visa revocation Enchong Dee blinock umano ng French airline, binantaan pa ng visa revocation Reviewed by pinoyako on April 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close