Duterte inaatake ng lungkot sa kulungan: Wala akong ginawang masama
MULING nakapiling at nakausap ni Kitty Duterte ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang dalawin niya ito sa kulungan kamakailan.
Hanggang ngayon ay nakapiit pa rin si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil umano sa nagawang “crimes against humanity.”
Ibinahagi ni Kitty ang ilang detalye sa naging pag-uusap nila ng kanyang tatay sa YouTube channel ni Alvin Sarzate na “Alvin & Tourism” na kuha sa The Hague.
Sey ni Kitty, mukhang maayos at mabuti naman daw ang kalagayan ng nakakulong na ama.
“He looks good, his skin looks good, he eats enough, and I think he has adjusted better already. Although again, nothing is ideal in this situation,” pahayag ng dating Presidential Daughter.
May mga pagkakataon lang daw na nakakaramdam ng kalungkutan ang dating presidente dahil wala naman daw talaga siyang ginawang masama.
“He feels a bit lonely sometimes. He did mention kanina. I think he was a bit sad while saying this, he said, ‘At least you won’t be embarrassed at me kasi wala akong ginawang masama,” saad ni Kitty.
“I held his hand and said, ‘Papa, no one’s embarrassed at you. All five of us, including me, are very proud to be your flesh and blood and everyone outside,’” dagdag ng dalaga.
Ipinakita rin daw niya sa ama ang mga litrato ng mga nakasama niyang Duterte supporters mula sa iba’t ibang Facebook page.
“I told PRRD that all of you are here. I even sent him some of our pictures from different Facebook pages showing me with supporters,” pagbabahagi ni Kitty.
Nakatakdang ihatid ng korte ang hatol sa apela ni Duterte patungkol sa agam-agam nito sa hurisdiksyon ng ICC bukas, April 22, 11 a.m..
Humiling ang kampo ng dating pangulo sa ICC Appeals Chamber na payagan siyang hindi dumalo sa pagdinig bukas.
The post Duterte inaatake ng lungkot sa kulungan: Wala akong ginawang masama appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 21, 2026
Rating:

No comments: