BREAKING NEWS

Diego Loyzaga halos mabaliw sa sobrang sama bilang kontrabida sa ‘Totoy Bato’ 

Diego Loyzaga halos mabaliw sa sobrang sama bilang kontrabida sa 'Totoy Bato' 
Kiko Estrada at Diego Loyzaga

SOBRANG intense ng pagtatapos ng “Totoy Bato” base sa full trailer na ipinakita sa finale mediacon ng serye na pinagbibidahan nina Kiko Estrada at Diego Loyzaga.

Nadulas nga ang bida ng serye na si Kiko at inaming, “We shot that at 8 a.m..”⁷

Dinagdagan pa ito ng main villain ni Kiko na si Diego, “putok-araw” daw ang last taping na ibig sabihin nga ay inabutan sila sa pagputok ng araw.

Sabi naman sa kanya ni Kiko, “Huy, hindi ka na kasama ro’n (sa last day).”

Sagot ni Diego, “Excuse me! Mag-away-away tayo rito, ano Totoy?”

Sa madaling salita ay inumaga ang buong cast sa last taping ng “Totoy Bato”? So, hindi sinunod ang cut-off na 16 hours maximum under the Eddie Garcia Law?”

Bawi ni Diego, “Never pong nangyari ‘yun sa set, never! Nasusunod po ang cut-off sa set namin. Never po kami lumalagpas ng ano (takdang oras).”

Sundot din ni Janno (Gibbs), “Sinusunod namin ang Eddie Garcia Law.”

Dadgag ni Diego, “Yes po first time kasi maraming eksenang kailangang habulin, ‘yun lang ‘yun at finally nakuha ko na ‘yung hustisyang hinahanap ni Dwayne for the longest time. Kating-kati na ako na makuha as my character, ah.”

Sa unang pagkakataon ay gumanap bilang kontrabida sa isang project si Diego bagay na bago sa kanya dahil nga simula nang makilala siya ay lagi siyang leading man kahit pa mabait o hindi ang karakter niya.

Kaya natanong kung okay sa kanya ang karakter na kalaban ng bida at lagi na bang ganito ang mga karakter na type niyang gawin.

“Open ako sa idea na mag-play ulit ng kontrabida, iba naman kay Dwayne (role sa TB), kahit ano naman ang ibato sa akin, bida o kontrabida papayag naman po ako ro’n.

“Pero isang malaking stepping stone ito sa career ko na makapag play naman ng bad guy and mas maraming puwedeng gawin ang kontrabida puwede kang maging sira ulo hindi ikaw ang laging mabait, so, na-enjoy ko talaga,” katwiran ni Diego.

Humirit ng pabiro ang Uncle Janno Gibbs ni Diego, “Saka sa totoong buhay salbahe ka naman talaga, eh (sabay hawak ng una sa pamangking aktor).”

Sinakyan naman ito ni Diego, “Siyempre hindi nila alam ‘yun. Ha-hahahaha! For once hindi ko kailangang magpanggap na mabait ako. Ha-hahaha! Siyempre joke ‘yun. I enjoyed it (kontrabida) dahil ito ‘yung ensemble cast namin. 

“Sinabi ni Kiko sa akin simula pa lang, ‘Diego gusto ko ikaw talaga maging kontrabida ko.’ And to be honest at the end of it now, I’m happy na ito ‘yung nangyari,” aniya.

Base sa trailer ng finale ng “Totoy Bato” ay makikitang ang titindi ng fight scenes nila na duda namin at ng ilang kasama sa panulat na posibleng nagkasakitan sina Diego at Kiko bagay na hindi naman itinanggi ng una.

“Malaki ang hinanakit ko rito kay Kiko, eh. Laging lumulusot, eh (mga suntok). Last taping namin naisahan ako sa tenga. Ito (Kiko) naman sobrang, ‘Bro, sorry-sorry stop muna!’ Sabi ko, ‘bro ituloy mo na, tumama na, ituloy mo na, let’s go! Mataas na ‘yung energy, eh, ituloy mo na okay lang ‘yan,” kuwento ni Diego.

Aminado ang kontrabida ni Kiko na marami siyang natutunan dahil pagdating daw sa choreography ay mahina siya kaya hindi siya nakakasabay at ang ending ay talagang sasaluhin niya ang mga suntok.

“Parang sayaw ‘yan, if you forget some of the steps kunwari Ilagan mo ‘yung suntok na ito, tatama talaga, intense,” say pa ni Diego.

Nabanggit din ang apat na araw shoot nila sa arena na puro usok kaya naman kapag pinunasan na nila ang kanilang mga ilong ay itim na dahil sa usok.

Inamin din ni Diego dahil sa sobrang sama ng karakter niya as Dwayne ay pakiramdam niya ay nababaliw na siya at nadadala niya ito hanggang pag-uwi dahil hindi niya ito napagpag after ng taping.

“’Yung mga taong malapit sa akin na kilala ako parang sabi nila, ‘Diegs chill ka lang.’ Paano ko na-maintain ‘yung intensity, may mga taping day na hindi na kami nagpapansinan nito (sabay turo kay Kiko) ganu’n na (punto) teka lang Kiks, hindi tayo magkaibigan, magkaaway tayo.  After ng takes saka na tayo mag-usap ulit,'” kuwento ng aktor.

At pinatunayan naman ito ni Kiko na minsan ay dumating si Diego sa set at totally hindi siya pinansin hanggang umabot na ng pananghalian na usually ay magkakasama sila, kaya siya na raw ang nagtanong, “’Diegs may problema ba tayo?’ ‘Yun pala in character siya, mine-method niya (acting). Method actor na si Diego.”

Anyway, abangan ang pagtatapos ng “Totoy Bato” na napapanood sa TV5 mula sa direksyon nina Albert Langitan, Zyro Radoc at Ambo Gonzales.

The post Diego Loyzaga halos mabaliw sa sobrang sama bilang kontrabida sa ‘Totoy Bato’  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Diego Loyzaga halos mabaliw sa sobrang sama bilang kontrabida sa ‘Totoy Bato’  Diego Loyzaga halos mabaliw sa sobrang sama bilang kontrabida sa ‘Totoy Bato’  Reviewed by pinoyako on April 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close