BREAKING NEWS

‘Día del Libro’ aariba sa Ayala Triangle sa April 25, puno ng libreng ganap

‘Día del Libro’ aariba sa Ayala Triangle sa April 25, puno ng libreng ganap
PHOTO: Courtesy of Instituto Cervantes de Manila

BONGGA ang selebrasyon para sa mga certified bookworm at kahit sa mga pa-start pa lang magbasa! 

Ihahandog ng Instituto Cervantes de Manila ang makulay na “Día del Libro” ngayong April 25 sa Ayala Triangle Gardens, mula 9:00 a.m. hanggang 11:00 p.m.

Kasama ang Embassy of Spain in the Philippines, Ayala Land, at Make It Makati, siguradong magiging bonggang-bongga ang buong araw na puno ng libro, kultura, at saya!

Mula fiction hanggang non-fiction, poetry hanggang prose –libo-libong libro ang ibebenta na may 20% discount.

At gaya ng tradisyon sa Spain, may libreng rosas sa bawat mabibiling libro. 

Baka Bet Mo: Instituto Cervantes may libreng talk tungkol sa Spanish words sa Filipino

Sisipa ang event ng 9:00 a.m. sa pangunguna ni H. E. Miguel Utray, Ambassador of Spain to the Philippines, para sa opisyal na pagbubukas.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fyoutube.com%2Fshorts%2FyPz8y1GI0lo%3Fsi%3DxFGvDsk9k5cs9YHS&width=500&show_text=true&height=0&appId" width="500" height="0" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Isa sa pinakaabangan ang “Escribo el Quijote,” kung saan pwedeng makisali ang publiko sa pagsusulat-kamay ng klasikong nobelang Don Quixote.

Walang registration at walk-in lang! Ang nakaka-excite pa, may libreng libro pa ang mga sasali.

Asahan ding may “Plantadores de Historias” kung saan magsusulat ka ng tula o kwento sa plantable paper at yes, itatanim mo siya after.

May storytelling din para sa kids gamit ang “Las aventuras de Don Quijote.”

Kung gusto mo naman ng feels, join “Libros que Importan,” kung saan pwede kang mag-donate ng paborito mong libro na may personal note.

May libreng beginner Spanish classes din ng 10:30 a.m. at 4:15 p.m. na perfect para sa mga gustong maging bilingual real quick.

Abangan ang sneak peek ng “Man of La Mancha” ng Repertory Philippines tampok si Nonie Buencamino.

May tango performance na “Tango para siempre,” jazz concert nina Gabriel Lazaro at Bergan Nuñez, at poetry recital na “Bersong Hispano-Pinoy.”

Para sa artsy peeps, may sketching workshop ang Urban Sketchers Manila at DIY paper-making workshop ng Design Center of the Philippines.

Siyempre, hindi mawawala ang pagkain na pwedeng tikman ang Spanish dishes at huwag palampasin ang Paella Gigante sa 6:15 p.m. mula sa Sociedad Española de Beneficencia, with matching flamenco performance.

May Latin dance class din mula sa Manila SBKZ Latin Dance Festival, kaya ready na ang galaw-galaw!

Sa gabi, rarampa ang live concert ng Brownman Revival simula 8:00 p.m., na susundan ng DJ session. 

At kung bitin ka pa, tuloy ang party sa “La Noche del Libro” sa Electric Sala hanggang madaling-araw.

Yes, FREE ang lahat ng activities pero first come, first served nga lang.

The post ‘Día del Libro’ aariba sa Ayala Triangle sa April 25, puno ng libreng ganap appeared first on Bandera.


Uploaded Image
‘Día del Libro’ aariba sa Ayala Triangle sa April 25, puno ng libreng ganap ‘Día del Libro’ aariba sa Ayala Triangle sa April 25, puno ng libreng ganap Reviewed by pinoyako on April 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close