Panukalang schedule sa impeachment ni VP Sara inilatag sa Senado
KUNG makakarating sa Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, naglatag na ng posibleng schedule para sa paglilitis.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, layunin ng panukalang schedule na maipagpatuloy pa rin ng mga senador ang kanilang tungkulin bilang mambabatas habang isinasagawa ang trial.
Aniya, maaaring idaos ang impeachment hearing tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes simula alas-3 ng hapon.
Samantala, nakalaan ang sesyon ng Senado tuwing Martes at Huwebes, habang ang umaga naman ay para sa mga pagdinig ng mga komite.
Baka Bet Mo: P125-M confidential fund ni VP Sara limas ng 24 oras – ex-bagman
Naniniwala si Lacson na sa ganitong kaayusan ay hindi maaapektuhan ang regular na sesyon ng Senado.
“Ibigay natin ang umaga sa ating mga kasamahan para makapag-review, makapaghanda at sa lahat. Para hindi rin mapahamak ang ating committee hearings,” dagdag ng senador.
The post Panukalang schedule sa impeachment ni VP Sara inilatag sa Senado appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 18, 2026
Rating:

No comments: