BREAKING NEWS

Atong Ang walang takas sa ibang bansa, Interpol red notice ikinasa na

Atong Ang walang takas sa ibang bansa, Interpol red notice ikinasa na
PHOTO: Screengrab from YouTube

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ikinasa na ang Interpol red notice laban sa gambling tycoon na si Atong Ang.

Para sa mga hindi aware, ang Interpol red notice ay isang pormal na kahilingan sa mga law enforcement agency sa buong mundo na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang tao, habang hinihintay ang extradition o iba pang legal na proseso.

“It’s already been issued as of Monday,” pagkumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa text message sa INQUIRER.

Ang naturang red notice ay hiningi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Enero matapos maglabas ng arrest warrants laban kay Ang at 20 iba pa na kaugnay ng pagkawala ng hindi bababa sa 34 na mga sabungero.

Baka Bet Mo: Atong Ang, 21 iba pa pinakakasuhan ng kidnapping ng DOJ

Batay sa latest information ng Bureau of Immigration, hindi pa umano umaalis ng Pilipinas si Ang noong mga panahong iyon. 

Pero sinabi ni CIDG Director Maj. Gen. Robert Alexander Morico na kinailangan pa rin ang red notice sakaling makatakas ang negosyante sa pamamagitan ng “back door” o mga ilegal na daanan palabas ng bansa, lalo na sa southern Philippines na ginagamit para makaiwas sa immigration checks.

Sa panayam sa GMA “Unang Balita” nitong Huwebes, April 16, sinabi ni Remulla na sa ngayon ay nananatili pa rin sa Pilipinas si Ang dahil may mga nakakita pa sa kanya.

Ibinunyag din ng kalihim na spotted umano ang business tycoon sa isang lugar sa Calabarzon dalawang linggo na ang nakalipas, batay sa impormasyon ng isang “credible” informant na tumanggi siyang ilahad ang eksaktong lokasyon.

The post Atong Ang walang takas sa ibang bansa, Interpol red notice ikinasa na appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Atong Ang walang takas sa ibang bansa, Interpol red notice ikinasa na Atong Ang walang takas sa ibang bansa, Interpol red notice ikinasa na Reviewed by pinoyako on April 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close