BREAKING NEWS

Robb Guinto, Yasser Marta napag-uusapan na ang kasal: Du’n tayo papunta!

Robb Guinto, Yasser Marta napag-uusapan na ang kasal: Du'n tayo papunta!
Robb Guinto at Yasser Marta

THIS early ay totoong napag-uusapan na ng Kapuso celebrity couple na sina Yasser Marta at Robb Guinto ang tungkol sa pagpapakasal.

Ayon sa magdyowa, kahit bagung-bago pa lang ang kanilang relasyon ay pareho na nilang nai-imagine ang kanilang magiging wedding.

Sa panayam ng "Fast Talk With Boy Abunda" kina Robb at Yasser, napag-usapan nga ang kanilang future plans as a couple matapos nilang aminin sa publiko recently ang kanilang relationship.

"Nandu'n 'yung thought, Tito Boy, na sinasabi namin sa bawat isa, pero hindi naman ganu'n ka-specific pa talaga na planadung-planado. 

"Pero lagi kong sinasabi sa kanya na du'n tayo, pupunta tayo du'n," ang pagbabahagi ni Yasser.

Nangako naman ni Robb na kapag nakapagdesisyon na sila ni Yasser  tungkol sa pagpapakasal ay sa programa ni Tito Boy nila unang ibabandera.

Kuwento pa ng dating Vivamax star, talagang pinag-usapan daw muna nila ni Yasser bago nila kumpirmahin sa publiko ang kanilang relasyon.

"Kasi siyempre, 'pag once na ginawa mo nang public 'yan, maraming pwedeng makialam, maraming pwedeng manghimasok sa relasyon n'yo. 

"Parang konting kibot lang, may masasabi 'yung tao. May gawin man kaming tama o mali, may masasabi at masasabi 'yung tao," pahayag ni Robb.

Sabi naman ni Yasser, "Tito Boy, ako, lagi ko rin sinasabi kay Robb 'yung siya lang ang papakinggan ko. 

"Ako, wala naman akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao, kung ano man ang sinasabi nila. Basta sa kaniya lang po ang tiwala ko," saad ni Yasser.

The post Robb Guinto, Yasser Marta napag-uusapan na ang kasal: Du'n tayo papunta! appeared first on Bandera.


Robb Guinto, Yasser Marta napag-uusapan na ang kasal: Du’n tayo papunta! Robb Guinto, Yasser Marta napag-uusapan na ang kasal: Du’n tayo papunta! Reviewed by pinoyako on March 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close