Marcos aprub sa 4-day workweek sa ilang gov’t offices simula March 9

MAGPAPATUPAD na ng apat na araw na trabaho kada linggo sa ilang executive offices ang gobyerno!
Ito ay magsisimula sa Lunes, March 9, ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kanyang mensahe, sinabi na ang pansamantalang hakbang ay layong magtipid sa enerhiya at bawasan ang konsumo ng gasolina, kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo dahil sa tensyon sa Middle East.
"For the government sector, starting Monday, March 9, we will temporarily implement a four-day workweek in some executive offices," anunsyo ng presidente.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos apektado sa arrest warrant, pagsuko ni Bong Revilla
Paglilinaw niya, "This does not include those providing emergency or essential services, such as police, firefighters, and offices delivering frontline services to the public."
Kasabay nito, iniutos ni Pangulong Marcos sa lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa kuryente at gasolina ng 10 hanggang 20 porsiyento.
Ang four-day onsite work arrangement ay nakasaad sa Memorandum Circular No. 114 at sumusunod sa Civil Service Commission (CSC) Memorandum Circular No. 6 (s. 2022), na inamyendahan ng CSC Memorandum Circular No. 1 (s. 2025).
Nakasaad sa circular na mananatili ang bagong schedule hanggang sa ito ay pawalang-bisa o i-revoke ng pangulo.
Lahat ng ahensya ay inaatasang gumawa ng internal guidelines para sa tamang monitoring at dokumentasyon, kasama ang attendance verification, performance standards, at monitoring mechanisms, ayon sa umiiral na CSC laws at regulations.
Dagdag pa ni Marcos, pansamantalang ipinagbabawal ang hindi kinakailangang biyahe at aktibidad ng gobyerno, gaya ng meetings na pwedeng gawin sa loob ng opisina.
Tiniyak din ng pangulo sa mga apektadong OFWs sa Middle East na nakikipag-coordinate ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno upang bantayan ang kanilang sitwasyon.
"In addition, I am directing all government agencies to save and reduce electricity consumption and petroleum expenses by 10 to 20 percent," muli niyang binigyang-diin.
The post Marcos aprub sa 4-day workweek sa ilang gov't offices simula March 9 appeared first on Bandera.

No comments: