BREAKING NEWS

Kitty Duterte walang balak pasukin ang politika sa 2028

Kitty Duterte walang balak pasukin ang politika sa 2028
PHOTO: Facebook/Kitty Duterte

NILINAW ni Veronica "Kitty" Duterte, anak ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na wala siyang balak tumakbo sa anumang posisyon sa halalan sa 2028.

Sa panayam ng ABS-CBN News mula sa The Hague, Netherlands kung saan kasalukuyang naka-detain ang kanyang ama, tinanong si Kitty tungkol sa posibilidad na pasukin din niya ang oulitika tulad ng ibang miyembro ng kanilang pamilya.

Diretsahan naman ang sagot ng dalaga at sinabing, "No."

Sa kabila ng pagiging kilalang personalidad sa social media at pagkakaroon ng iba't ibang endorsements, aminado si Kitty na tinitingnan pa rin niya ang sarili bilang isang pribadong tao.

Baka Bet Mo: Kitty Duterte muling nakita si Digong sa The Hague: Natakot ako kasi medyo… 

Sa naturang panayam, natanong din si Kitty tungkol sa naging epekto sa kanilang pamilya nang mag-anunsyo nang maaga si Vice President Sara Duterte ng planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028.

"I think we just, you know, gave more importance to solidarity and supporting each other and just really being there for each other," sey niya.

Inamin din ng bunsong Duterte na mas dumami ang batikos na natatanggap niya matapos ang naturang anunsyo ng kanyang ate.

"I would say yes, ever since. But you know, like I said I grew up in the public eye. I'm not sensitive. I'm accustomed to it," aniya.

The post Kitty Duterte walang balak pasukin ang politika sa 2028 appeared first on Bandera.


Kitty Duterte walang balak pasukin ang politika sa 2028 Kitty Duterte walang balak pasukin ang politika sa 2028 Reviewed by pinoyako on March 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close