BREAKING NEWS

Vice Ganda nag-sorry sa bomb joke sa ‘Showtime’: Bawal daw po pala yun

Vice Ganda nag-sorry sa bomb joke sa 'Showtime': Bawal daw po pala yun
Vice Ganda, Anne Curtis, Hong Navarro, Chong Hilario at David Licauco

AGAD na humingi ng paumanhin ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda matapos mag-punchline ng "bomb joke" on national TV.

Nangyari ito sa live episode ng Kapuso at Kapamilya program na "It's Showtime" ngayong araw, February 2.

Sa segment ng noontime show na "Laro Laro Pick," inihalintulad ni Vice ang props na mga dilaw na kahon sa kanilang studio sa itsura ng bomba. 

"Players, tapatan lamang ang mga nag-iwan ng bomba sa studio. Parang may mga nag-iwan ng bomba, di ba? 

"Pag nakita mo 'yan sa labas di mo pupuntahan 'yan eh," hirit na biro ni Vice kung saan kabilang sa mga contestants ang Kapuso actor na si David Licauco. 

After nga ng "Laro Laro Pick" segment, muling nagsalita si Vice Ganda at nagpaliwanag sa binitiwang "bomb joke".

Inamin ng komedyante na hindi niya knows na may batas na nagbabawal dito, "Bago tayo mag-cue ng commercial, humihingi po muna kami ng paumanhin dahil du'n sa bomb joke na sinabi ko kanina, 'yung 'parang may nag-iwan dito ng bomba du'n sa kahon.' 

"Bawal daw po pala 'yung magbigay ng bomb jokes. Wala po akong intensyong masama doon, wala pong malisya du'n," esplika ng TV host.

Dagdag pa ni Vice, "It was just a joke pero bawal daw po 'yun kaya humihingi po ako ng paumanhin." 

Base sa Presidential Decree (PD) No. 1727, ipinagbabawal ang pagpapakalat ng anumang banta ng bomba o explosives, lalo na ang magbibiro hinggil dito.

Ang sinumang lalabag dito ay maaaring patawan ng limang taong pagkakakulong at multa na aabot sa P40,000.

The post Vice Ganda nag-sorry sa bomb joke sa 'Showtime': Bawal daw po pala yun appeared first on Bandera.


Vice Ganda nag-sorry sa bomb joke sa ‘Showtime’: Bawal daw po pala yun Vice Ganda nag-sorry sa bomb joke sa ‘Showtime’: Bawal daw po pala yun Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close