Sofia Pablo, Eliza Borromeo inilantad bet nilang PBB Collab Big 4

NEVER nang makakalimutan nina Sofia Pablo at Eliza Borromeo ang kanilang journey sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0."
Na-evict sina Sofia at Eliza sa episode ng programa noong weekend matapos makakuha ng pinakamababang percentage ng "votes to save" – nakakuha si Sofia ng 8.46% habang si Eliza naman ay 20.97%.
Naging super unforgettable para sa dalawang young actress ang tatlong buwang pananatili sa Bahay Ni Kuya, lalo na yung nabuong friendship among celebrity housemates.
Halos lahat naman daw ng mga naiwang housemates sa "PBB Celebrity Collab Edition 2.0" ay naging ka-close nina Sofia at Eliza at ngayon pa lang ay nami-miss na raw nila ang mga ito.
Sa panayam ng GMA, natanong ang na-evict na housemates kung sinu-sino para sa kanila ang karapat-dapat na makapasok sa Big Four.
"Actually, lahat po sila super deserving, eh. Pero ako po, meron po akong big four talaga. Sina Miguel (Vergara), Krystal (Mejes) and Caprice (Cayetano) and Heath (Jornales) po," sey ni Eliza.
Sabi naman ni Sofia, "Ako po, actually at this point, ang hirap na. Kasi lahat po ng nasa loob ng bahay right now, they really fought eh. Para lumaban hanggang dulo.
"Pero kung siguro nag-base po ako sa like, alam ko na gusto talaga nila. Sina Caprice, Heath, Krystal, and Lella (Ford)," chika pa ni Sofia.
Matatandaang nauna nang na-evict si Eliza, pero nakabalik din matapos manalo sa wildcard round.
Ilan pa sa mga nakasamang nominado last week sa eviction night ng iconic reality show sina Joaquin Arce, Carmelle Collado, Caprice at Heath, na naging safe sa boto ng madlang pipol.
The post Sofia Pablo, Eliza Borromeo inilantad bet nilang PBB Collab Big 4 appeared first on Bandera.

No comments: