BREAKING NEWS

SexBomb Jopay napaiyak nang muling mag-propose si Joshua sa ‘rAWnd 4’

SexBomb Jopay napaiyak nang muling mag-propose si Joshua sa 'rAWnd 4'
Joshua Zamora at Jopay Paguia kasama ang 2 anak

NAPAIYAK si Jopay Paguia nang muling mag-propose ang asawang si Joshua Zamora sa "rAWnd 4" concert ng SexBomb Girls nitong Sabado, February 7.

Walang kaalam-alam ang actress-dancer sa pa-surprise proposal ni Joshua kung saan nakasama rin ang kanilang mga anak na sina Isabelle Alessa at Izabella Ariana. 

Nangyari ito pagkatapos ng buwis-buhay na solo performance ni Jopay sa matagumpay na naman nilang reunion dance concert suot ang kanyang mala-Wonder Woman na OOTD.

After mag-bow sa audience ay nagulat na lamang si SB Jopay nang makitang nakaluhod na sa kanyang likuran si Joshua hawak ang singsing.

"Our super mom! My babas, will you marry me again?" ang tanong ni Joshua kay Jopay kasunod ang malakas na tilian at palakpakan ng fans.

Hindi na napigilan ni Jopay ang sarili na mapaiyak sabay dialogue ng, "I said yes!"

"Maraming salamat, Babas. Kasi si Joshua, ang daming pinagdaanan, di ba, 'yung tuhod ko. Lagi siyang nakasuporta sa akin, pati 'yung dalawang anak ko.

"Thank you so much, thank you, Lord," ang lumuluhang sabi ni Jopay pagkatapos tanggapin ang singsing sabay yakap ng mahigpit sa kanyang asawa. 

Hirit pang sey ni SB Jopay sa pinakamamahal na asawa, "Sabi mo sasayaw ka lang? Lagi na lang siyang ganyan."

Ang proposal ni Joshua ay para sa magiging second wedding nila matapos nga ang una nilang kasal noong June, 2014. 

The post SexBomb Jopay napaiyak nang muling mag-propose si Joshua sa 'rAWnd 4' appeared first on Bandera.


SexBomb Jopay napaiyak nang muling mag-propose si Joshua sa ‘rAWnd 4’ SexBomb Jopay napaiyak nang muling mag-propose si Joshua sa ‘rAWnd 4’ Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close