Raffy Tulfo kay Frasco: Huwag mong i-promote ‘yong sarili mo!

PINAGSABIHAN ni Sen. Raffy Tulfo ang kontrobersyal na si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco patungkol sa mga reklamo ng netizens na "self-promotion" ng huli.
Ang "self-promotion" na sinasabi ay ang paglabas ng larawan nito sa mga promotional materials ng ahensya.
"What I'm saying is…'yong presence mo doon, 'yong sa picture na 'yan, it doesn't fit in sa taste ng mga Pilipino na nakakakita po niyan. Kaya nga po bina-bash po kayo [at] hanggang sa pumunta po sila sa action center ko para magreklamo…," saad ni Sen. Raffy sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Tourism nitong Martes, February 3.
Pagpapatuloy pa niya, "Kasi ang nangyari ma'am e ang dating daw sa kanila, parang pino-promote mo 'yong sarili mo versus dapat 'yong Pilipinas ang pino-promote mo…o 'yong mga probinsya ang pino-promote mo versus you're promoting yourself. 'Yon po 'yong dating sa mga tao…Maybe we have to refrain from doing that. We can use models siguro."
Baka Bet Mo: Tulfo Bros. pinakamayaman, Chiz pinakamahirap base sa SALN ng mga senador
Sinagot naman ni Frasco si Tulfo at sinabing nauunawaan naman niya ang naturang isyu ngunit sinusubukan lang daw niyang maging "present" sa trabaho.
"I completely hear you, Senator [Raffy], and I am grateful that you have brought these matters to light. But since I have the floor, I would just like to reiterate my position that I have tried to be as present as possible in our destinations and for our stakeholders. That is the extent of the duty that I have exercised and nothing more.
"I have no national ambition. I am not running for any national position. And therefore, any accusation of self-promotion would fall flat because I'm not running for any national position in 2028, and therefore, there would be no reason for me to promote myself," sey pa ni Frasco.
Buwelta naman ni Sen. Raffy, wala siyang sinabi na kakandidato si Frasco at mismong mga tao ang nakakahalata na tila pino-promote ni Frasco ang kaniyang sarili sa anumang rason.
Kung ikukumpara din daw sa Vietnam, Korea, Malaysia at Japan, hindi umano nakikita ang pagmumukha ng mga tourism secretaries sa kanilang tourism materials.
Giit ni Tulfo, "What we're saying here ma'am, please, 'wag mong i-promote ang sarili mo. 'Pag pumunta ka sa isang lugar, kung ano 'yong mga kulang doon, punahin mo and then punuan mo.
"Yon po 'yong point ng mga netizens na lumapit po sa akin. It has nothing to do about you—it has something to do na may problema, at sinasabi nila kung ano 'yong problema na dapat punuan natin ngayon."
The post Raffy Tulfo kay Frasco: Huwag mong i-promote 'yong sarili mo! appeared first on Bandera.

No comments: