Jay Tarriela nagpasalamat kina Sotto, Lacson sa pagpuna sa mga ‘traydor’ na senador

NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela kina Senate President Vicente "Tito" Sotto III at Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson dahil sa kanilang pagiging loyal sa bansa at pagpuna sa mga mambabatas na pumapanig sa China.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, ibinahagi niya ang mga pahayag ng dalawang senador tungkol sa mga mambabatas na hindi pumapanig sa sariling bansa.
Kasunod nito ay ang mga patutsada ni Tarriela sa mga senador na tinawag niyang "traitor" o traydor sa sariling bayan.
Aniya, mas pinili pa ng mga ito na pumanig ang China kaysa sa mga apektadong mangingisda.
Baka Bet Mo: Tito Sotto dedma sa chikang papatalsikin siya bilang Senate President
"If you are a Filipino who says nothing about China's illegal harassment of our fishermen and its aggressive bullying of our Philippine Coast Guard vessels—yet rushes to defend China whenever its actions are exposed or worst is attack our own position—then you truly deserve to be called a TRAITOR!" saad ni Tarriela.
Kasunod nito ay ang kanyang pasasalamat sa dalawang senador.
"Thank you, Senator @sotto_tito and Senator @iampinglacson, for unflinchingly calling them out as favoring China or pro-China," pagtatapos ni Tarriela.
Sa kabila ng kanyang mga pahayag ay wala namang inipabas na pangalan ang naturang spokesperson kung sino ang kanyang pinatutungkulang "traitor".
The post Jay Tarriela nagpasalamat kina Sotto, Lacson sa pagpuna sa mga 'traydor' na senador appeared first on Bandera.

No comments: