Panagbenga 2026: Kasaysayan ng makulay na Baguio; meaning ng mga bulaklak

NAGSIMULA na ngayong buwan ang taunang Panagbenga Festival, na tinaguriang pinakamakulay at pinakasikat na selebrasyon ng City of Pines.
Kilala bilang Baguio Flower Festival, ito ay idinaraos tuwing Pebrero at nagtatagal ng higit isang buwan.
Ang Panagbenga, na ang salitang ibig sabihin sa Kankanaey ay "season of blooming" o panahon ng pamumulaklak, ay unang inilunsad noong 1996 bilang pag‑alala at pagbangon mula sa mabigat na pinsalang idinulot ng 1990 Luzon earthquake.
Sa pagdaan ng panahon, ito ay lumago mula sa isang simpleng pista ng mga bulaklak hanggang sa isang malaking pagtitipon ng mga parada, sayawan, at floral floats.
Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine's Day?
Ayon sa organizers, hindi lamang ito selebrasyon ng mga flowers, kundi pati ng sama‑samang pagsusumikap ng mga taga‑Baguio at mga bisita na buhayin ang turismo at pagkakakilanlan ng lugar.
Sa gitna ng kasiyahan, narito ang ilan sa mga pinakamadalas makita at pinapahalagahang bulaklak sa Pilipinas, lalo na sa Baguio at sa mga kalapit na lugar kasama ang kanilang mga simbolikong kahulugan.
Sampaguita (Jasminum sambac)
Simbolo ng purity (kadalisayan), humility (kababaang‑loob), devotion (debosyon), at hope (pag‑asa).
Ito ang opisyal na pambansang bulaklak ng Pilipinas simula 1934 na karaniwang ginagamit sa mga garland at ritwal sa simbahan.
Sunflower/Everlasting (Xerochrysum bracteatum)
Ito ay sumisimbolo sa kasiglahan, sigla, at positivity.
Ang sunflower madalas ituring na representasyon ng Panagbenga dahil sa tibay nito sa malamig na klima at dahil isa ito sa itinatakdang simbolikong bulaklak ng lungsod.
Rosas (Roses)
Ang karaniwang kahulugan ng rosas ay pag‑ibig, paghanga, at romansa.
Paborito ito tuwing Valentine's at iba pang okasyon, at makikita rin sa mga floral displays sa panahon ng fiesta, kasama ng iba pang kulay at uri.
Orchid — Waling‑Waling (Vanda sanderiana)
Para sa marami, ang ibig sabihin ng Waling-Waling ay kagandahan, karangalan, at mataas na estima.
Itinuturing din itong "Queen of Philippine flowers" at simbolo ng pambihirang ganda ng kapuluan, bagaman hindi opisyal na pambansang bulaklak.
Marigold at iba pang bulaklak na ornamental
Ang tipikal na kahulugan nito ay kasiyahan, sigla, at buhay.
Madalas gamitin sa mga floats at costume dahil sa maliwanag na kulay nito, lalo na sa mga parada ng Panagbenga.
Maliban sa mga makukulay at iba't ibang uri ng mga bulaklak, ang iba pang inaabangan tuwing Panagbenga ay ang Grand Opening Parade, Street Dancing Competition, Colorful Floral Float Parade, Session Road in Bloom kung saan ang kilalang nasabing lugar ay nililibre para sa mga stalls at produkto, at iba pang cultural performances, fireworks, at palabas na umaakit ng lokal at banyagang turista.
The post Panagbenga 2026: Kasaysayan ng makulay na Baguio; meaning ng mga bulaklak appeared first on Bandera.

No comments: